Chapter 66

536K 16K 6.9K
                                    

Chapter 66


Mas pinili kong panatilihing nakapikit ang aking mga mata kahit na kanina pa akong gising. All I want is to hear their voices.

Minsan dadating talaga sa buhay mo na gugustuhin mo na lang manahimik at makinig. Lalo na kung mula ito sa boses ng mga taong alam mong wala ng ibang ginawa kundi pahalagahan at isipin ang kapakanan mo.

Sa loob ng napakahabang anim na taon, hindi ko akalaing muli akong mabibigyan ng pagkakatong marinig ang boses nilang lima na masaya at sama sama.



At last my five hot jerks are complete again.



Hindi ko iilang beses na hiniling na maramdamang muli ang presensiya nilang lima na magkakasama. At hangga't maaari ay susulitin ko ang bawat segundong magkakasama kaming anim ngayon.



"Nero, tunaw na si Doll dyan sa ginagawa mo" tamad na boses ni Troy ang narinig ko.



"Shut up, bakit hindi na lang kayo lumabas apat dito?" ramdam ko ang kamay ko na hawak ni Nero ngayon. Kanina ko pang alam na pinagmamasdan niya ako habang hinahalik halikan niya ang mga kamay ko.



"I want to see her awake, aalis na rin ako pag nagising siya. She's still under my protection" simpleng sagot ni Tristan.



"Siya ang ipinunta ko dito Nero, wag mo akong itaboy palayo kay Wada. I'm just worried about her" pakinig ko din na sabi ni Owen.



"Gusto ko din na nandito ako pagmulat ng mga mata niya. The more the merrier" sabi naman ni Aldus.



"Don't ask me Nero, humawak pa ako ng dalawang baril para kay Doll tapos pagbabawalan mo akong makita siya? Umayos ka pinsan, nandito kaming apat dahil nag aalala kami sa kanya. Kung natatakot ka pa rin na baka isa sa amin na may nagbabalak pa rin na agawin siya, mag isip ka pinsan. Dahil kaming apat matagal na naming tanggap na wala na kaming maaagaw. She belongs to you at nirerespeto naming apat ang bagay na 'yon" halos ingay lang ng aircon ang narinig ko ng isang minute sa sinabi ni Troy bago ko muling narinig ang boses ni Nero.



"I know she's mine, akin lang ang magandang babaeng nasa harapan nyo ngayon. Kayong apat? Oo tama ka Troy hanggang respeto na lang talaga kayong apat. Kilala nyo ako mga pinsan, gusto ko ako lang. Call me selfish but I want to be the only man for her life. At 'yang mga atensyon niyong 'yan sa kanya may hangganan 'yan sa sandaling makasal na kaming dalawa. Your goddamn sweetness will end. Florence Celestina Almero is only for me" halos sabay kong narinig ang mga pabulong na pagmumura ng mga pinsan ni Nero sa sinabi niya.



"Bakit ang hina niyang paliwanagan? Hindi nga tayo mang aagaw" pakinig kong sabi ni Troy na alam kong sinasadya niyang iparinig kay Nero.



"Nagmana 'yan kay LG, pagbigyan nyo na" tamad na sabi ni Tristan.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon