Chapter 62

443K 11.7K 884
                                    

Chapter 62


Pamilyar na ako sa boses ng lalaking ito, boses na kailanman ay hindi ko pinangarap matandaan. Kahit ilang beses ko nang pilit kinalimutan ang kahindikhindik niyang boses, wala akong magawa kundi bangungutin pa rin sa bawat pagkakataong maalala ko ang mga oras na narinig ko ang nakakatakot na boses na muntik nang pumatay sa akin.


Tuluyan nang nangatal ang buo kong katawan nang sandaling ibaling ko ang aking atensyon mula sa boses ng lalaking nagsalita mula sa aming likuran. Kung ganoon, tama nga ang kutob ko. Imposibleng matapos na lang bigla ang lahat ng ganoon kadali. Dahil sa buhay ko, kahit kailan ay walang natapos na madali. Pilit akong pinapahirapan hanggang sa maabot ko na ang sukdulan ko.



Mukhang wala na itong katapusan, talagang hindi sila titigil hangga't buhay ako at humihinga.



"Who are you?" matapang na tanong ni Camilla sa walang hiyang lalaki na nakangisi sa aming apat.

Hindi siya sinagot nito at sa halip ay mas pinalapad pa nito ang kanyang malademonyong ngisi sa akin napaatras na lang ako sa takot. Damn, bakit pilit nila akong sinusundan? Bakit masayang masaya silang ginugulo ang buhay ko?



"O, bakit nagulat ka Almero?" hindi ako nakapagsalita sa takot na nararamdaman ko. Kahit hindi na siya nakasuot ng itim na bonet, kilalang kilala ko ang taong nasa harapan ko. Siya ang lalaking bumangga sa akin noon, siya ang lalaking nagpaulan ng bala at dugo ng hayop sa aking sasakyan, siya ang pinakamalaking asong utusan ng taong matagal nang gustong pumatay sa akin.

Hindi lang dobleng takot ang aking nararamdaman. Sobrang takot na takot na ako sa mga oras na ito. Hindi lang ako ang namimiligro sa pagkakataong ito, hindi lang buhay ko ang pinag uusapan dito. Me and my baby, my sister and even my friends, fuck.



Agad iniharang ni Sapphire ang kanyang sarili sa akin sa paraang mapoprotektahan niya ako, maging ang dalawa kong kaibigan ay ganito din ang ginawa. Napapakagat labi na lang ako sa nangyayaring ito, bakit lagi na lang ako ang taong pinuprotektahan? May pagkakataon ba na ako naman ang pwedeng magprotekta sa mga taong mahahalaga sa akin? Lagi na lang ganito ang nangyayari.



"Who are you? Bakit kilala mo ang kapatid ko?" matapang tanong sa kanya ni Sapphire.

Nakapamulsang nagkibit balikat ang malaking lalaki sa amin.



"Bakit hindi mo ako ipakilala sa mga kasama mo Almero?" nanghahamong sabi sa akin ng lalaki. Alam kong sa loob ng itim na damit na suot niya ay nagtatago ang bagay na pwedeng kumitil sa buhay naming apat na walang kahirap hirap.

Huminga ako ng malalim bago ako sumagot sa kabila ng aking mga nangangatal kong mga tuhod.



"Hindi ka talaga titigil kung hindi mo ako napapatay?" pakinig ko ang sabay sabay na bulong na pagmumura ng mga kaibigan ko sa sinabi ko. Pero sa kabila nang narinig nila sa akin mas lalo nilang iniharang ang kanilang mga sarili para sa anumang maaaring gawin ng lalaki sa akin.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon