Chapter 57

629K 13.7K 3.2K
                                    

Thanks to all my followers :)


Thank you! @obLiviousKristine :)


Chapter 57


Pamilyar na ako sa nararamdaman ko ngayon. Damn, umaga na ba? Bakit parang kanina ko lang ipinikit ang aking mata? Antok na antok pa ako. Bakit nandito na naman ang pusa ni Nero?

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Kahit ilang minuto lang, gusto ko pang matulog. Anong oras ba kami ni Nero natapos? Alas singko? Anong oras na ba? Damn. Kulang na kulang ako sa tulog.

Narinig ko ang pag iingay ng pusa niya para mas magising ako. Well trained talaga ang pusang ito ni Nero Ferell.



"Alright! Alright! Babangon na po, mag amo nga kayo. Tang ina" padabog akong bumangon ng kama at halos mawalan ako ng balanse kung hindi ako nakahawak agad sa side table.

Bakit nananakit pa rin ang katawan ko? I even felt the sore down there. Damn Ferell.

Bahagya kong minasahe ang noo ko at huminga ako ng malalim, kailangan ko na sigurong maligo nang mahimasmasan ako.



Nagdiretso na ako sa banyo at ibinabad ko ang aking sarili sa bathtub. Hindi ko alam kung bakit sa sandaling lumapat ang mainit na tubig sa aking katawan ay parang nagflashback sa utak ko ang nangyari sa amin kaninang madaling araw. My god. May aftershock ba talaga ang ginawang 'yon sa akin ni Nero?

Agad kong inadjust ang heater at pinalamig ang tubig, bakit pakiramdam ko ay painit ng painit ang tubig? Itinodo ko na lang sa cool ang heater para tuluyan nang lumamig ang tubig at mas mapanatag ang utak at katawan ko.

Tapos na Florence ang pinakamagandang alas dos ng madaling araw ng buhay mo. Itigil mo na ang pagnanasa sa magaling na manggagapang dahil sa sandaling matapos ang lahat ng problema namin dalawa alam kong hindi lang ako tuwing alas dos maggagapang ng Shokoy na 'yon.



"Haist" sinimulan ko nang sabunin ang katawan ko. At talagang napapahanga ako, alam ni Nero Sebastian Ferell ang mga lugar na maitatago ko ang mga kagat niya. Talagang takot maghirap ang Shokoy.

Ano nga ulit ang sabi niya? Madami daw kaming gagatasan? Damn Ferell. Gusto ko na talagang pumalakpak sa galing niyang magplano, hindi man lang ako nainform sa mission gatasan niya.



Tumagal siguro ako ng kulang kulang isang oras sa loob ng banyo bago matapos. Agad kong tiningnan ang oras at mag aalas otso na. Ang aga talaga akong ginising ng pusa niya. Mabilis akong nakapagbihis at nakapag ayos bago ako bumaba.

Pinilit kong maglakad ng natural kahit medyo kumikirot. Tang ina ka talaga Ferell. Bakit ang dami niyang alam? Gamit na gamit ang nature sa nangyari sa amin dalawa.



Nagdiretso na ako sa kusina dahil alam kong nandito na silang maglolo. Pero muli pa sana akong hahakbang papasok nang matigilan ako sa nakikita ko. Tama ba itong nakikita ng mga mata ko?



Kasalukuyang katulong ni Manang si Nero sa paghahanda ng pagkain sa lamesa. At hindi lang 'yon ang nakapagpatigil sa akin, naghehehead bang lang naman ang Shokoy habang sumisipol, sa madaling salita mukhang masayang masaya ang Shokoy. Malamang masayang masaya 'yan, natuloy lang naman ang minimithi niyang dry punishment.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon