Chapter 68

594K 14.9K 4.9K
                                    

Thanks @NejJopanda :)


Chapter 68


Ilang beses ko nang sinipat ang wristwatch ko pero wala pa rin na Nero Ferell na dumadating.



"Kung tawagan mo kaya? Bakit naman ang tagal ng isang 'yon?" kahit si Sapphire ay iritado na rin sa tagal ni Nero. Saan naman kaya nagsuot ang hari ng mga Shokoy na 'yon?



"Pag hindi pa siya dumating matapos ang kalahating oras, magbabakasyon siya mag isa. Shokoy siya!" binuksan ko na lang telepono ko habang sinasagot ang mga kaibigan sa aming groupchat.



"Florence, marunong pa lang kumanta si Owen?" napatigil ako sa pagtitig sa telepono ko dahil sa sinabi ng kapatid ko. Tama ba ang rinig ko sa sinabi niya?



"Ha? Maglanggoy magaling 'yon" mabilis na sagot ko sa kapatid ko. Kumakanta si Owen?



"Realtalk Florence, narinig ko siyang kumanta sa isang bar na pinuntahan ko last time na magkasama kami ni Aldus. Maganda ang boses niya, infairness naman. Akala ko puro pagsisid lang ang alam ng magpipinsang 'yon" napatango na lang ako sa sinabi ni Sapphire. Pero hindi pa din ako makapaniwala, sa tagal kong kasama sa bahay si Owen hindi ko siya minsang narinig na kumanta.



"Hindi ko alam ang bagay na 'yan" maiksing sagot ko na lang sa kanya. Napapaisip tuloy ako, madami pa siguro akong hindi nalalaman sa limang magpipinsan na 'yon.

Sino ba ang mag aakalang ang Shokoy na walang ibang ginawa kundi matulog ay isa pa lang 'agent' na akala ko noon ay sa telebisyon ko lang makikita. Hindi ko talaga akalaing nagkaroon ako ng pagkakataong tumira sa ilalim ng iisang bubong kasama ang limang hindi pangkaraniwang mga lalaki.



"Florence, may tanong ako sa'yo. Matagal ko na itong itinatanong kay Aldus noon pero ayaw niya talagang sagutin sa akin. Nasabi ba sa'yo ni Nero kung bakit sila magkakasamang lima? Sa pagkakaalam ko hindi naman ulila ang limang 'yon para tumira sa bahay ng kanilang lolo nang napakatagal na panahon" napangisi na lang ako ng mapait sa aking kapatid. Kahit ako ay may napakalaking tanong din tungkol sa bagay na 'yan.



"Ayaw din sagutin ni Nero, itinanong ko na rin 'yan sa kanya. Ang sabi niya kay Troy ko daw itanong" kibit balikat kong sagot sa kanya.



"Ganun din ang sabi sa akin ni Aldus, hindi kami close ni Troy. Ikaw na lang ang magtanong Florence, nacucurious na talaga ako" napabuntong hininga na lang ako. Paano ko sasabihin kay Troy? Magkwento naman kaya ang isang 'yon ng katotohanan? Sigurado akong kapag nagkwento na ang paboritong apo ni LG may halo na itong kalokohan.



"Hindi matinong kausap si Troy, baka hindi ko din maintindihan ang pinagsasabi niya. Shokoy language, you know" kapwa imikot ang mga mata namin at halos sabay kaming nagtawanan sa sinabi ko.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon