Chapter 19

689K 15.2K 2.8K
                                    

Chapter 19


Bago pa ako makarinig nang kung ano pang nakakapanindig balahibong mga salita ni Nero ay pinatay ko na ang tawag niya.

Bahala siyang tumawag nang tumawag. I can't talk to him properly right now. Lalo na at malinaw na malinaw pa sa utak, puso at katawan ko ang panaginip na 'yon.


Basta ko na lang hinubad ang bathrobe ko at nagdiretso na ako sa banyo. Kailangan kong malamigan ng maayos. Ibang klase talaga ang epekto sa akin ni Nero Ferell, kahit ang mga panaginip ko ay kuhang kuha siya. From his sensual lips, the flex of his muscles and the way his adams apple gulp slowly. Nakakaubos siya ng hangin sa katawan.


Pero hiyang hiya na ako sa sarili ko. Hindi ko kayang itanggi ang panghihinayang ko sa panaginip na 'yon. I want it real, gustong gusto. Sino pa bang babae ang may kakayahang tanggihan si Nero Ferell? Mga simpleng galaw lang niya ay talagang nakakasira ng panatag na sistema ng babae.

Paano pa kaya kung manlambing na siya? Paano pa kaya kung bumulong bulong na siya? Paano pa kaya kung kumilos siya na parang sinasamba niya ako na parang ako lang ang babae sa paningin niya.

Baka hindi ko na mapansin ang sarili kong nagsisimula nang maghubad sa harapan niya. Kung pwede ko lang siyang tawagan at hatakin na lang bigla. Damn! Ano ba itong nasa utak mo Florence?

Damn Nero. Kailan pa ako naging ganito?


Napaupo na lang ako sa naiisip ko, niyapos ko ang mga binti ko at ipinatong ko ang noo ko sa tuhod ko. Ano ba itong ginawa mo sa akin Nero? Bakit pati ang tahimik kong pagtulog ay ginambala mo na rin?

I'm goddamn longing for his touch. Shit. Florence Almero! Panaginip pa lang 'yon! Wake up Florence.


"That Ferell..papaano niya ako hinalikan kagabi at nagkaganito ako?" marahas kong kinuha ang sabon at sinimulan ko ng sabunin ang sarili ko.

Nang mabilis kong nasabon ang sarili ko ay muli kong binuhay ang shower at sinalubong ang tubig nito. Every part of this bathroom is full of his hot memory. Why I'm hearing his voice calling me?


"Aish!" halos magpapadyak na ako. Tang ina Nero, what's happening with me? I'm craving for you, fucking craving.

Binilisan ko nang magbanlaw sa aking sarili, mas lalo kong pinapahirapan ang sarili ko kung patuloy akong mananatili sa loob ng banyong ito.


At pagkalabas ko ay patuloy pa rin ang pagtunog ng phone ko. Bahala ka!

Sinimulan ko ng mamili ng tamang damit na isusuot ko. I need something that can cover these goddamn kiss marks. At tulad ng aking inaasahan isang turtle neck ang napili kong isuot. Mukhang bibili pa ako ng concealer dahil ubos na ang concealer ko noong kabilang linggo pa. 


Napangiwi na lang ako sa sarili kong repleksyon nang maisuot ko ito. Matalas ang pang amoy ng mga kamag anak kong lalaki. Hindi na ako magtataka kung malalaman nilang may itinatago akong mapupusok na ebidensya.

Kinuha ko muna ang phone ko para basahin ang iba ko pang messages. Agad kong pinatay ang tawag ni Nero Ferell.

14 missed calls. Pero binasa ko muna ang message ni Ashong.


Ashong:  Sorry for being busy Florence. I'll call you if I'm free. I love you

Natigilan ako sa message ni Ashong. Parang nasampal ako sa message niya, muli nitong pinaalala na may niloloko akong tao. Hindi ko akalaing dadating ang panahon na matututo akong maging taksil. Damn.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now