Chapter 73

533K 13.6K 2.1K
                                    



Chapter 73


Hindi alintana ng mga tao ang init ng araw para lamang mapanuod ang kasalukuyang laro ng magkabilang grupo.



"Hindi ba at anim ang players sa volleyball?" nagtatakang tanong ni Laura.



"Lima lang rin naman ang sa kalaban, just cheer them up! Bakit hindi kayo tumulong sa amin sa pagchecheer sa kanila?" tanong sa amin ni Nicola na hindi na namin sinagot.



Nasa kalagitnaan na sila ng laro at tulad ng inaasahan ay lamang ang kalaban. Nasayang ang radyong dala ni Troy, nalanta na ang bulakbak niyang kwintas at mabuting hinubad na nila ang mga shades nila dahil masyado na silang maraming nalalaman sa buhay.

Agad mapapansin ang biyernes santong mukha ni Nero, Tristan at Troy dahil wala man lang kaming ginagawa dito para i cheer sila. Not my thing Nero, maglaro ka na lang diyan. Samantalang itong si Sapphire at Nicola ay halos mapaos na sa kasisigaw kay Aldus at Owen na kasalukuyan nang lumalaki ang ulo.



"Ang gwapo mo talaga Aldus! Kaya mo 'yan" masiglang sigaw ni Sapphire.



"Go Owen! Walo lang ang lamang! Mananalo pa kayo" sigaw din ni Nicola na nagpangiwi sa akin. Sana nga manalo, mukhang wala na sa mood maglaro ang natitirang tatlo.



"Parang tanga talaga itong si Troy, duh? I won't shout like that. Hindi ako madadala ng panguso nguso niya sa akin" iritadong sabi ni Laura. Kahit ako ay napapansin ko ang pasulyap sulyap ni Troy kay Laura na katabi ko lang naman.



"Kanina pa din salubong ang kilay ni Tristan Ferell. Hindi na nga siya sumusulyap sa akin dahil alam kong mainit na ang ulo niya. Hindi ko rin kayang magsisigaw kagaya ng dalawang 'yan" halos sabay kaming lumingon kay Nicola at Sapphire na napakasupportive sa mga shokoy.

Pansin ko din ang laro ni Nero, lagi na lang outside ang pagtira niya sa bola. Nakikita ko pang iritado niyang sinisipa ang buhangin, ano ba ang problema ng mga Ferell na ito? Can't they just play the game?



Biglang pumito ang referree dahil si Lina na mismo ang humingi ng time out. Ang unang maka 30 points ang siyang mananalo. 10 – 18 ang score, lamang ng 8 points ang kalaban.

Lumapit sa amin ang mga pawisang Ferell, agad nilang kinuha ang mga tubig na inihanda namin sa kanila.



"Mga pinsan, tsamba lang sa atin ang mga kalaban" sabi ni Troy na habol ang kanyang hininga.



"Ayusin nyo ang laro nyo" agad na sabi ni Aldus na kakatapos lang uminom ng tubig.



"I'm sleepy, can I just quit?" tamad na tanong ni Tristan na nagpupunas ng pawis niya. Sabay na lumingon sa kanya ang kanyang mga pinsan na may napakasamang tingin sa kanya.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon