Chapter 22

632K 16.8K 6.6K
                                    

Chapter 22


Para akong napaso sa sinabi ni Troy. Mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa kanya. Pinilit kong ngumisi sa kanya. He's been acting this weird since the first time we've met.

Hinagip ko ang kanang kamay niya at inilagay ko dito ang panyong ginamit ko sa kanya.


"Sayo na lang 'yan. Baka may sumuntok pa sayo, pwede mo pa 'yang magamit" umismid lang siya sa sinabi ko at namulsang tumayo ng maayos mula sa kanyang pagkakasandal.


"Hindi na ako mauulitan, darn that old man. Bakit ako ang sinuntok? Pwede namang si Owen?" iiling iling na sabi niya habang sabay kaming naglalakad. Kahit ako ay nabigla sa biglang pagsulpot ng matandang 'yon.


"Baka kahawig mo ang kinagagalitan niya" natatawang sabi ko.


"So, magandang lalaki pala ang umagaw sa lupa ng matandang 'yon" kumbinsidong sabi ni Troy na nakapagpaningkit lang naman ng mata ko.


"Masusuntok ka nga, 'medyo' mayabang ka kasi" sarcastic na sabi ko. Ngumisi lang sa akin ang tagapagmanang Shokoy.


"Saan ba nakapark ang sasakyan ni Owen? Kanina pa tayong naglalakad dito, baka may bigla na lang sumulpot at masuntok ka na naman"

Tumigil na rin sa paglalakad ang tagapagmanang Shokoy, kasalukuyan siyang nakapamaywang ngayon habang sinusuyod niya ng tingin ang mga sasakyang nakaparada dito.

Napapangiwi na lang ako habang pinagmamasdan siya, patuloy pa din sa pagdugo ang labi niya. Alam kong sinadyang hindi pigilan ni Troy ang matanda kanina, alam kong natatakot siya na baka masaktan niya ang matanda kung mas sasalagin niya ang mga suntok nito. Damn, hot and handsome with the heart. Haist Florence. Ano ba naman ang dapat kong isipin? Isa lang naman siyang Ferell na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan.

Hindi ko akalain na bibigyan pa nila ako ng ganitong atensyon. Damn. They're still treating like what they used to treat me. Wala pa ring pagbabago at kung mayroon nagbabago sa kanila sa paraan ng pakikitungo sa akin, iisa lang ang masasabi ko.

They are sweeter compared to those Shokoys I know last 6 years ago.


Naramdaman niya sigurong pinagmamasdan ko siya kaya lumipat ang paningin niya sa akin.


"Ngayon, nalaman mo na? Na mas magandang lalaki talaga ako kay Nero?" nakataas pa talaga ang kilay ng tagapagmanang Shokoy sa akin.

Inirapan ko na lang siya. They're both attractive but they're totally different.


"Just find Owen's car, napakadami mong alam" sagot ko na lang sa kanya.


"Sa pagkakatanda ko ay dilaw na hummer ang gamit ng gagong 'yon. Saan kaya nagpark ang isang 'yon?" nagtuloy na lang kami sa paglalakad.

Hindi rin nagtagal ay nakita na namin ang sasakyan ni Owen na panay ang pa ilaw at busina sa amin. Agad na kaming sumakay, sa likuran ako nagdiretso at ramdam ko nakasunod na rin sa akin si Troy. Hindi ko na siya sinita kung sa likuran na rin siya umupo, bahala na sila ni Owen na magtalo.


"Bakit ka nandyan Wada? Come here, dito ka umupo" sabi ni Owen habang nakatingin sa rearview mirror. Ito na naman po kami, mukhang mag uumpisa na naman ang dalawang Shokoy na kasama ko.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon