Chapter 15

654K 16.2K 5K
                                    

Chapter 15


Ako na ang unang kumalas kay Nero nang mapansin kong wala ng tao. Mahigpit pa rin ang pagkakayapos niya sa bewang ko.


"Come on, Nero. Kailangan na nating lumabas dito, magtataka na ang mga kasama natin" bulong ko sa kanya. Narinig ko lang ang buntong hininga niya.

Bahagya kong binuksan ang pinto ng cubicle para silipin kong may tao pa. Nang makumpirma kong wala na, mabilis akong lumabas. Isinara at inilock ko muli ang pinto ng washroom.


"Lumabas ka na Nero.." mahinang tawag ko sa lalaking nagtatago sa cubicle. Sa repleksyon ng salamin ay tamad lang siyang lumabas habang nakapamulsa. Hindi siya maaaring lumabas na ganyan ang hitsura niya.

His hair is too messy...my ruined lipstick all over his face and his loosen tie. Hindi ko papayagang umalis ang Ferell na 'yan dito ng ganyan ang hitsura niya.


"Fix everything Nero, hindi ka pwedeng lumabas ng ganyan" tumaas lang ang kilay niya sa sinabi ko.


"Fix it for me.." mabilis na sagot niya sa akin. Inirapan ko na lang siya. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Hindi na rin maayos ang hitsura ko. Sirang sira na ang make up ko.

Shit, what should I do? Papaano ako lalabas? Lipstick lang ang dala ko.


"Mauna ka ng lumabas Nero, but fix yourself first. Manalamin ka" sinimulan ko ng tanggalin ang eyeliner ko na kumalat na sa mukha ko.


"I said, fix it for me" napabuntong hininga na lang ako ng hulihin niya ang kamay ko.


"Alright!" ngumisi lang siya sa pag irap ko sa kanya. Muli na naman akong napatili ng buhatin niya ako at iuupo na naman sa sink.


"What the hell Ferell?! Hindi ka pa ba nadadala? Muntik na tayong mahuli ng fiancé mo! And any moment maaaring may kumatok na naman sa pintuan!" akma akong bababa nang pigilan niya ako.


"Don't worry, it's settled right now" kampanteng sabi niya.


"SETTLED?!" nanlalaking mata kong tanong sa kanya.


"I texted your cousin, alam niyang nasa loob tayo nito" halos napatulala na lang ako sa sinabi ni Nero Ferell.


"What the fuck?!"

Tinakpan ni Nero ng kanyang forefinger ang bibig ko at sumenyas siya na pakinggan ko ang nag uusap na mga tao sa labas.


"Just put, out of order. Hindi pwedeng may pumasok dyan" rinig ko ang boses ni Kuya Nik mula sa labas.


"Okay po sir!" sagot sa kanya malamang ng isang crew.


"Heard it?" ngising sabi sa akin ni Nero Ferell. Kailan pa sila naging magkakampi ni Kuya Nik?

Narinig kong biglang tumunog ang phone ko. Agad kong inabot ang pouch ko para kuhanin ang phone ko. I got a message from Kuya Nik.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon