Chapter 56

680K 15.3K 2.1K
                                    


SPG! SPG! Paalala mga openminded lang po ang pwedeng magbasa ng chapter na ito. At kung may mambabash na naman kung sakali, pakiayos na ng mga buhay nyo. Wag ang story ko! Salamat.


Thanks @maedenraquid :)


Chapter 56


Nang mabasa ko ang maliit na note na ibinigay sa akin ni Nero. Nagmadali na akong bumaba sa aking kama, mabilis kong binuhay ang ilaw para agad akong makakita ng tamang damit na isusuot ko.

What the fuck? Kailangan pa ba ito? He will definitely undress me this time. Halos mapapadyak ako sa naiisip ko, bakit parang siguradong sigurado na ako sa mangyayari? Tulog na ba talaga si LG? Buti hindi siya tinali ng lolo niya.


Nakailang hagis na ako ng damit na hindi ko magustuhan. Ano ba naman Florence? Come on, choose faster. Baka umakyat pa dito ang hari ng mga Shokoy.

Napapakagat na ako sa maliliit na kuko ng aking mga daliri habang panay ang paglalakad ko ng pabalik balik. I'm goddamn nervous.


Alam kong hindi ito ang unang beses na gagawin namin ito pero bakit ganito pa rin ako kabahan? Halos nakita na niya ang lahat sa akin, ano pa ba ang problema nitong nagtatatambol kong dibdib?


Muli kong pinilig ang ulo ko, nagmamadali akong nagpunta sa loob ng banyo at humarap ako sa salamin. Agad kong hinilamusan ang aking buong mukha at marahan kong tinapik ang magkabila kong pisngi.



"Florence, umayos ka ngayon" Oo, hinding hindi ko makakalimutan ang unang gabi namin. Kung papaano namin sinira ang lahat ng gamit sa library ni LG, kung papaano naglingas ang aming mga katawan tulad ng apoy na nagsisilbing liwanag namin ng gabing 'yon. At kung papaano ko siya naramdaman ng buong buo. I won't ever forget that night. Our first night.


Mananatili sana itong maganda kung hindi ko ito sinira nang sumunod na araw, pinaligaya namin ang isa't isa nang maulang gabing 'yon pero pinili ko siyang saktan kinabukasan. Sa pagkakataong sisiguraduhin kong mapapaligaya ko siya hindi lamang sa mga oras na ito maging sa mga susunod pang mga araw. Babawiin ko ang lahat ng sakit na ibinigay ko sa kanya.

Muling kong sinipat ang sarili ko sa salamin, sinadya kong guluhin ang buhok ko.

Messy hair it is. Paninindigan ko ang dry punishment mo Ferell. I will definitely participate this time.


Hindi na ako nagpakahirap na mamili ng damit, hinayaan ko na lang ang suot kong manipis na bestida na natural kong isinusuot kapag natutulog ako.



Nagsimula na akong lumabas ng aking kwarto. Agad akong nagtungo sa sala pero wala siya dito, nagpunta rin ako sa kusina pero ni anino ng lalaking maninisid ay hindi ko makita.

Where is he? Siya naman ba ngayon ang nagtatago?

Pinili kong suyudin ang buong rest house maliban sa kwarto niya pero wala pa rin akong nakikitang Nero Ferell.

Where are you? Pinagloloko niya ba ako?



Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon