PRELUDE

1.3K 24 1
                                    

LEE'S POV



Ayokong humawak ng baril dala na rin siguro ng traumang nangyari sa amin noong high school kami ng tambangan kaming mag-anak. Si Mommy lang ang kasama namin. Doon ko nadiskubre ang galing ni Mommy sa paghawak ng baril at pag-asinta ng kanyang mga kalaban.



Ngunit nagdulot sa akin iyon ng malaking takot. Ayoko nang mangyari iyon. Ayoko ring ilagay ang pamilya ko sa alanganin na tulad noon. Pinaglalabanan ko lang ang takot na iyon dahil kailangan ko ang baril bilang isang pulis. Lahat kasi ay halos sumunod sa yapak nina Mommy at Daddy.


Nagpaalam na ako kay Mommy at hindi ko narinig ang kanyang pagtutol.


Masaya naman siya sa aking napiling bokasyon.



Isang buong araw pa lang ako seminaryo, nalaman ko na naaksidente ang gf ni Jude at naging kritikal ang kondisyon niya sa isang car accident. Lumabas akong bigla. Kailangan ako ng aking pamilya.



Muli kong sinubukang pumasok, tinanggap naman nila akong muli . Nakaisang buwan din naman ako ng mabalitaan kong nabuntis naman ni Sullivan si Justine kaya muli akong nagpaalam.


Sa muli kong paglabas, tuluyang nagbago ang buhay ko.


Mas matindi ang pagsubok na ibinigay sa akin ng Diyos. 



POLICE STORYWhere stories live. Discover now