WORK, WORK, WORK

157 8 0
                                    

LEE'S POV



Hindi naman kasi ako talaga sigurado dahil baka magkaroon kami ng lakad mamaya. Kababalik ko lang ulit. Unang araw ko ulit sa trabaho.



Pagdating ko sa presinto, si Mira ang una kong nakasalubong. Hindi siya ngumiti at hindi rin niya ako pinansin. Dinaanan na lang niya ako. May dala siyang mga folders. Parang may nagbago. Weird ang feeling pero hindi ko na lang pinansin.



"Sgt. Lorenzo, kailan ka pa bumalik?" Tanong ni Sgt. Manzano.


"Last week lang po , Sir."


"Ready ka na ulit magtrabaho?" Si Sgt. Ojeda naman.


"Medyo..." Hindi pa rin ako sigurado.


"Naku, kailangang kailangan ka namin sa follow up operation ngayon. May nangyaring gang rape sa isang university. Ang ganda ng babae....Tsk!Tsk!Tsk!"



Muli na naman akong nahabag sa balitang iyon. Iyon talaga ang kahinaan ko, mga balitang may patayan, may rape at nakawan.


Nakalayo na si Mira. Napansin ako ni Sgt. Ojeda.



"Ilang araw na lang dito si SPO2 Domingo?" Nagulat ako sa sinabi niya.


"Bakit naman daw po?"


"Akala ko ba girlfriend mo si sgt. Domingo?Mukhang babalik sa MedSchool si Mira." Alam kogn type ni Michael si Mira pero ayaw lang daw niyang sulutin ang dalaga sa akin.


"Okay lang Michael... Hindi ko naman siya gf. Find your luck." Sabi ko sa kanya.


"Talaga , Sir..."


"Aprub kita, Pare..." Tuwang tuwa ang binata. Pero alam ko namang matagal na niyang dinidiskartehan si Mira.



Nabasa ko ang mga follow up operations na ginawa nila lately puro naman kasong rape ang kanilang inaasikaso. Ayoko nang buksan. Pagbukas ng pinto sa opisina, dumating si Sgt. Romulo. Head namin siya sa mga Entrapment Operations.



"Sgt. Lorenzo , puwede mo bang kunin muna 'yong laboratory result sa crime lab?"



Tumayo ako at lumabas sa sa opisinang iyon ng SOCO. Nagmadali akong pumunta sa katapat ng building kung saan matatagpuan ang Crime Lab. Nagkatinginan ang mga Forensic Analysts at Technicians ng dumating ako doon. Nakita kong may kausap si Justine... Hmm, mukhang may heart- to-heart talk sila ni Mira. Umiiyak ang kausap niya.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now