MY DANICA

139 2 0
                                    

LEE'S POV



Isinama ni Jazzy si Danica sa family outing namin. Every quarter kasi, talagang lumalabas kami para mag-relax. Kung saang resort man iyon, doon kami nagkikita-kitang lahat. Doon kami nagkikita-kita nina Kuya Ice, Jude at Justine. Hindi naman ipinagbabawal ang pagsasama ng kaibigan dahil talagang hindi mapaghiwalay sina Jazzy at Danica.



Maganda sa Blue Water Resort. Gusto ni Papa na sa tabing dagat naman daw kami. Friday night pa lang ay bumiyahe na sila. Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang meeting namin. Katabi ni Jazzy si Danica. Nasa garahe din ako at si PO1 Ojeda ang magmamaneho. Unang sumakay si Papa sa frontseat para may kausap si PO1 Ojeda. Si Mama at Lola Thelma naman ang magkasama sa loob. Van ang ginamit nilang sasakyan dahil marami silang dala. Dalawang araw din kasi doon. Kasama din ang mga kasambahay.



Binuksan ko ang loob ng van. Kinausap ako ni Mama. Hindi puwedeng hindi ako sumama. Sumunod na lang daw ako kapag tapos na ang meeting namin. Huling pumasok sa loob sina Jazzy at Danica. Hinawakan ko ang kamay ni Danica.



"Uy, Sis. Behave kayong dalawa doon ng girlfriend ko ha! At ikaw...( sabay pindot sa ilong niya...) behave ka doon kahit wala ako. Enjoy the day..."


"Paano ako mag-i-enjoy doon eh wala ka? Sunod ka ha!"


"I will not promise, Sweety. Pa-kiss nga ako..." Magpaiwan na lang kaya si Danica at susunod na lang kami. I doubt kung papayag si Mama. Ayaw niya ng good bye kiss kasi nandoon si Mama at titig na titig sa akin.



Hay naku si Mama, nagawa pang magselos kung kailan malaki na ako. Puwede na kaong mag-asawa, ayaw pa niya akong i-let go. Heto na nga ay may babae na akong puwedeng iharap sa damabana, choosy pa siya. Gusto yata talaga niya akong maging matandang binata.



"Kiss na ako..."


"Eh, ayoko..." Nakakawit ang braso ko sa leeg ni Danica.


"Ano ba kasi, Lee? Halik na kung hahalik ka...Ambagal mo talaga kaya ka inabot sa ganyang edad eh." Sigaw ni Papa. Hay, nakakahiya...



Hinila ko si Danica. Walang nagawa ang dalaga. Nagulat na lang siya. Sabi ko, good bye kiss lang. Dapat sana smack lang. Napapikit tuloy si Mama pati si Lola Thelma. Sorry, I got carried away.



"Sumama ka na lang kaya... Mami-miss mo si Danica."


"Bye, Sweety..."


"Uy, tatawagan mo ako ha!"


"Ikaw na lang ang tumawag sa akin."


POLICE STORYWhere stories live. Discover now