MIRA

157 7 0
                                    

LEE'S POV



Pagkatapos ng klase ko, nakita ko si Mira sa faculty room. Walang imik ang mga kasamahan ko. Hindi na ako nagtaka. Ibinaba ko lang ang gamit ko at sumunod siya sa akin paglabas ko.



"Ito ang paraan mo ng paglayo sa akin. Ha!" Hindi ako umimik. Walang dahilan para magalit siya sa akin. "Noong una pumasok ka sa seminaryo, tapos ngayon... Wala ka bang gagawin kundi iwasan ako, layuan ako." Nagpatuloy ako sa paglalakad kaya lalo siyang nagalit. Gusto kong mapikon sa kanya.



Minsan na niya akong sinugod at napagkamalan niyang girlfriend ko si Danica. Magkausap kasi kami noon. Nakarating kami sa kantin sige pa rin siya ng daldal sa akin. Umorder ako ng pagkain at sumunod siya hanggang sa makaupo kami sa mesa.



"Sagutin mo nga ako..." Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at binigyan ko siya ng halik. Isang madiin na halik ngunit walang alab, walang spark, walang dating. Sasampalin pa niya ako . Mabuti na lang at nasalag ko ang kamay niya. Bigla siyang natigilan.


" Kumain ka na lang. Gutom lang 'yan, Mira. Sa susunod huwag kang basta susugod dito sa academy na ganyan ang ugali mo. Ipapa-ban ko ang pagpasok mo dito."


"Mahal kita, Lee..." Niyakap niya ako. Nakakahiya sa mga taong nagdadaan. Kinakabahan ako dahil baka makita kami ni Danica. Ayokong isipin niya na may nangyayari sa pagitan naming dalawa ni Mira.



Nag-usap kami ng masinsinan ni Mira. Nagpaalam ako saglit. Kilala ko siya. Hindi niya ako tatantanan hangga't hindi siya natatauhan. Huminto kami sa isang pamilyar na parke.



Iyon ang parke kung saan kami dati nagtago ng minsan kaming ma-ambush sa Black Mustang. Hinawakan ko ang kamay ni Mira. Ni hindi man lang ako nakuryente. Hindi katulad ni Danica. Bawat hawak ko sa kanya. Nakikita ko pa lang isya, nama-magnetized na ako sa kanya. Tumataas ang aking temperature at talagang.... Aaaahh! di ko kayang ipaliwanag ng ganoon na lang ang aking nararamdaman.



"Mira, makinig ka...." Hawak ko ang kamay ni Mira. Tinitigan niya ako kaya nakipagtitigan din ako. "Walang patutunguhan ang ganito. Ayokong masaktan ka. Magkaibigan tayo..."


"Hanggang doon na lang ba?"


"Mira, hindi mo puwedeng utusan ang puso ko... "


"Mayroon na ba?"


"Mira, ano ka ba?" Alam naman niyang hindi ako marunong manligaw. Iyon pa nga ang problema ko eh. "Huwag mo ngang baguhin ang usapan... Hindi ibig sabihin ay may iba , ano ka ba? Ano bang iniisip mo?"


"Siya ba?"


"Sino bang iniisip mo?" Ah baka iniisip niya si Danica. Akala niya , girlfriend ko si Danica. "Whew, hindi ako dapat magpaliwanag, Mira. I am getting tired of this argument. Besides, hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo. Sorry kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. Hindi ako ang karapat-dapat para sa iyo. "

POLICE STORYWhere stories live. Discover now