SWEET OLD THING

116 5 0
                                    

LEMUELA AND JUSTICE' POV



Hindi ko sinabing hindi ko gusto si Danica. Matagal na naming kilala ang kanyang pamilya. Minsan na naming nakasama sa isang salu-salo ang mag-asawang Mayers.



Bata pa lang si Danica , nakita ko na kung paano niya tingnan si Lee. Madalas siyang pumunta sa bahay. Giliw na giliw siyang tingnan si Lee sa tuwing naka-swimming trunks ito.



I should know, maganda ang katawan ni Lee. Only Danica Mayers is exclusive to see Lee on his swimming outfit. And what happened in his room is without a doubt... so absurd for a drunk lady. Hindi naglihim si Lee. But ofcourse, wala siyang kaalam-alam na matagal ko nang nahahalata na gusto siya ni Danica. Siguro kung hindi lang lasing noon si Danica at kung ano pa ang nangyari sa loob ng kuwarto, baka hindi pa rin mapapansin ni Lee ang dalaga. He said everything that happened that night is very traumatic to him. He can't take everything off his head. Kung takot siya o nabuhay ang kanyang pagnanasa, well congratulations, he is really a man.



On the other hand, akong ina ang nangangamba para sa aking anak. Nakita ko kung paano siya main-love. Hindi ko maipinta ang saya sa kanyang mukha. First time niyang bumaba na masiglang masigla para makisalo sa agahan namin. Hindi mabura ang ngiti niya kahit may bad news.



Kahit naman sa kanilang lahat, ang pagkabigo sa mga babaeng iniibig nila ang palagi kong pinangangambahan.



"Lemuela, mga lalaki ang anak mo. Hayaan mo silang matuto sa kanilang kabiguan. Matuto silang tumayo sa kanilang mga paa."


"OO, at ganoon ka din ba?"


"Kasi kung noong una ay isinuko na lang kita ng basta , wala sila dito ngayon. At sino ang gusto mong mapangasawa ko , si Sgt. Collins."


"Ipinaalala mo na naman sa akin ang ahas na iyon."


"Pero syiempre, iba ka pa rin sa kanya. Mahal na mahal kita kaya never akong gi-give up sa iyo. Mamaya ha!"


"Justice, itikom mo nga ang bibig mo."


"Kaya ko pa ng dalawang rounds..."


"Suskopo...ayokong magmasahe ng likod mo, pagkatapos."


"Nag-PLANAX yata ito."



Lakas ng tawa naming dalawa. Ikinulong na ako ni Justice sa loob ng kuwarto. Hindi pa rin siya nagbabago. Active pa rin siya. Hindi ko na alam ang nangyari sa mga anak ko. Si Lee at Danica ang una kong naisip. Talagang ramdam kong may ginagawang kalokohan ang anak ko.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now