PEACE OFFERING

148 7 0
                                    

LEE'S POV



Pagkatapos kong dalhin sa Admin Office ang aking resume, kinausap ako ni Director Pantaleon Romero. Seryoso niya akong kinausap tungkol sa aking application. Iyon kasi ang second option ko kung talagang hindi ko na gustong humawak ng baril. Either magpapari ako o magtuturo na lang ako sa akademya.



Iyon din ang sinabi sa akin ni Mommy pagbalik ko sa mansion. Hindi ko puwedeng maging hiding place ang seminaryo kung ang problema lang naman eh ayokong humawak ng baril.



"Baka naman gusto mong mag-undergo ng Theraphy sessions..." Hindi ko magawang magalit kay Mommy. Kung tutuusin, siya nga dapat ang nakakaranas ng trauma at depression.


"Mommy..."


"Yes, I have undergone several theraphy sessions already. Akala mo ba, hindi rin ako na-trauma... There were nights when I wake up with sweat all over me...I got nightmares and the scene kept coming back from time to time especially when I worry about a lot of things."


"But, mom..."


"I know, you have certain biases when it comes to theraphy. Hindi naman iyon pang-baliw iho. Theraphy sessions will help you conquer and battle your fear. It is a matter of speaking all your fear out. Huwag mong talikuran. Haharapin mo lang ng buong tapang."


Madaling sabihing maging matapang. Madaling magtapang-tapangan pero ang maging matapang na harapin ang sarili mong takot...iyon ang mahirap sa lahat.



Inabutan na ako ng traffic pauwi. Bumili muna ako ng peace offering para kay Jazzy. For sure, magugustuhan niya ang malaking teddy bear na binili ko sa FiftyWinks...Matagal na niya akong inuungutang bilhn siya noon. Gusto daw niyang magkaroon ng katabi sa gabi sa halip na ipagtabuyan ko siya sa labas ng aking kuwarto.



Minsan kasi, nakikitabi siya sa akin. May mga pagkakataong natatakot daw siyang matulog mag-isa sa kuwarto niya. Eh hindi puwede kasi malaki na siya.



Luckily, I got a spot in the teaching profession. Kailangan ko lang daw kumuha ng Certificate in Teaching. Kailangan kong asikasuhin iyon kahit habang nagtuturo na ako. Hindi daw nila puwedeng tanggihan ang isang Lorenzo na tulad ko. Professor din kasi si Mommy doon.



Diretso ako sa loob ng kabahayan at nadatnan kong nagkakape sina Mommy at Daddy sa terrace. Nagkakatawanan silang dalawa habang nagkukuwentuhan.



"Huh, Leeam...Kanino 'yan?"


"Kanino pa po ba? Eh di doon sa isang babae dyan na masyado akong pinahihirapan." Humalik ako sa pisngi nilang pareho.


"Pag nagka-girlfriend ka, for sure mas magseselos ang girlfriend mo sa kung paano mo itrato ang kapatid mo..."


"Ganoon po ba iyon?"


"OO, kung may girlfriend ka lang, mas maiintindihan mo ang ibig kong sabihin"


"Nandito na po ba si Jazzy?"


"Pero nasa likod bahay siya at nagsu-swimming. Huwag mo na lang muna siyang istorbohin kaysa awayin ka pa niya."


"Excuse me po muna..." Iniakyat ko ang aking regalo. ipinasok ko iyon sa loob ng kanyang kuwarto. Inilagay sa kanyang kama. Napansin ko na may maliit na duffle bag sa may sopa at amoy ko ang isang pamilyar na pabango. Umikot ako sa paligid... Para naman akong napa-praning para mag-ala-sniffing dog at hanapin ang taong may-ari ng pabangong iyon.



Naku, lumabas na lang ako at dumiretso sa aking kuwarto. Katapat lang mismo ng kuwarto ni Jazzy. Nakakapagod ang traffic. Hindi ako sanay makipag-unahan sa traffic. Madalas kasing gabing–gabi na at halos madaling araw na rin kung minsan ang uwi ko. Oras kung saan wala ng masyadong traffic. At walang ka-traffic-traffic ang kalye. Malinis na ang kalye sa lahat ng maliliit na sasakyan. Ang mga kasabayan ko na lang ay mga cargo trucks at mga trailer vans.



Habang nasa loob ng kuwarto ko, dinig ko ang malakas na tawanan ni Jazzy at ng kung sino man ang kanyang kasama ng gabing iyon. Naiinis lang ako kasi masyado talaga akong sensitive sa ingay. Pero kahit ganoon ay nakatulog pa rin ako sa sobrang pagod ko.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now