RECONCILIATION

132 6 0
                                    

DANICA'S POV



Pinuntahan ko si Jazzy para magkaayos na kami. Humingi ako ng pasensiya at nanumbalik ang aming maayos na pagsasama bilang magkaibigan. Nanuod kami ng last full show ng Biyernes na iyon at nag-night swimming pag-uwi. Nilubos namin ang mga linggong hindi kami magkasama over the weekend.



"Akala ko talaga , hindi mo na ako babatiin..."


"Kilala mo naman ako. Hindi naman ako galit sa iyo." Mahigpit naming niyakap ang isa't isa. Doon ako nag-sleep over sa kanila bilang tanda na bati na talaga kami. Pagud na pagod na kaming pareho at humihilik na rin si Jazzy pero sa kabila noon ay hindi ako nakatulog. Naalala ko ang nangyari sa parking lot ng simbahan.



Hindi ko pinansin si Lee ng ilang araw. Pormal lang kami. Estudyante niya ako at professor ko siya pagdating sa academy. Hindi ko siya pinapansin at nanatili akong ilag sa kanya. Hindi rin niya ako pinapansin dahil na rin sa komprontasyon namin. Tinatawag niya ako para lang mag-recite . Kapag may tanong , sinasagot naman niya pero paglabas, palagi siyang nagmamadali. Hindi na niya ako tinitingnan sa mata . Dedma...



Hindi na ako nagpaapekto sa kilos niya. Besides kahit gusto ko siya, hindi ko matatakasan ng ganoon na lang si Kai unless I have the reason to cancel our wedding.



That's better, siya na ang umiwas. Hindi ako mahihirapan.


Pagdating sa mansion, hindi rin niya ako pinansin. Nakikiramdam si Jazzy.



"Kuya, nandito si Danica. Di ba, na-miss mo din siya?" Pero dedma si Lee. Hindi niya ako pinansin . Hindi siya umimik sa sinabi ni Jazzy. Hindi ko rin siya pinansin. Inirapan ko pa siya at sinikap kong hindi tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Nasaktan ako kahit papaano. Ewan, di ko alam kung naong nangyari sa kanya. Parang mahal naman niya ako... Ah siguro, nagpa-power trip lang din siya.



Hindi ako nakatulog sa pag-iisip hanggang sa naisip kong bumaba at magpahangin saglit sa bakuran habang umiinom ng gatas. Hindi pa naman tulog ang lahat. Nanunood pa ang mga kasambahay ng telebisyon sa kusina.



"Ate, may fresh milk pa po ba?"


"Ah gusto po ninyong maggatas..."


"Opo ..." Nagmadali pa ang kasambahay kahit puwede ko namang kuning mag-isa.



Lumabas ako sa kusina patungong swimming pool. Doon ako nagpahangin. Matapos kong ubusin ang gatas at nakaramdam ako ng antok, saka ako dahan-dahang umakyat ngunit nakita kong naghihintay si Lee sa kanyang pinto. Nakasandig siya sa hamba ng kanyang pinto.



Hindi ko siya pinansin. Dire-diretso ako sa pinto ni Jazzy pero iniharang niya ang kanyang katawan.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now