AN ANGEL'S PLEAD

140 5 1
                                    

LEE'S POV



Niyaya ko si Danica na mag-motel muna. That was indecent but I tried kahit taliwas sa aking prinsipyo. I just loved to do it with her again. Hindi ako papayagan ni Mama na iuwi si Danica. Lalong hindi niya papayagang ikulong ko siya sa aking kuwarto. Not until I marry her.



"Danica..."


"Lee, I don't want to go home. Natatakot ako." Nakayakap siya sa akin habang hubad ang aming mga katawan.


"Danica, mag-aalala ang mama at papa mo."


"Natatakot akong balikan ni Kai. Galit na galit siya sa akin."


"Why?"


"I am not accommodating him. Hindi ako nakikipag-cooperate sa mga seminars na kailangan naming puntahan during weekends because I spend my time sa mansion. I am always missing in action."


"Itutuloy mo ba ang pagpapakasal mo sa kanya?"


"The hell no..."


"Ikaw talaga, 'yang bibig mo nga..." Hinalikan ko siya. Kababaeng tao grabeng magsalita. No doubt, si Danica Bridge Mayers nga siya. "Anong hitsura ba ni Kai?" Noon lang ako nagkainteres na tanungin kung sino si Kai.


"Lee, he is a total addict. Kapag nanalo si Digong na pangulo ng bansa, gustong kong unahin niyang ipatumba ang mga labingdalawang hudas na iyon para mabawasan ng salot dito sa lupa. "


"Mukhang galit na galit ka sa kanya ha!"


"Eh paano kung sabihin kong muntik na niya akong reypin kagabi? Narinig ni Angel ang sigaw ko. Sumunod sina Mama at Papa. O ngayon natauhan sila. Nakita nilang dumugo ang labi ko dahil sinampal ako ni Kai. Ewan ko? Bakit nila ako ipagkakasundo sa ganoong klase ng tao? Lee, natatakot akong umuwi. Sama na lang ako sa mansion."


"Mas magagalit ang mama mo sa akin. Gusto kitang kunin sa maayos na paraan..."


"Itanan mo na lang ako..." Humagulgol si Danica. Nagmamakaawa. Nanginginig siya sa takot.



Pinayapa ko ang kalooban niya. Masyadong late na para sa kanya. Hindi na iyon uwi ng matinong babae. Hindi ko na rin makakausap ang kanyang mga magulang.



"I'll come and see you tomorrow"



Pero iyon na pala ang huli naming pagkikita ni Danica. At iyon ang pinagsisihan ko sa lahat.


Sa mansion....



"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Mama.


"Nag-usap lang kami ni Danica, Mama. Absent siya kahapon and i think may nanakit sa kanya."


"Huh! sinaktan siya... nino? bakit?"


"Mama, Danica is getting married to someone else"


"Lee...Are you really sure of this? malaking gulo ang pinapasok mo?"


"I'll fight for her til my last breath , Mama."


"Madami pang babae, Lee. Hindi lang si Danica."


"Mama, please. Don't ever say another word. Ikaw na lang po ang alam kong kakampi ko. i love, Danica. i love her, Mamam. i can't afford to lose her."


"Then what are we going to do?"


"Puntahan natin siya bukas. Let's tell Mr and Mrs. Mayers i want to marry their daughter."



Alam ko ang sinasabi ko. Ang hindi ko alam, ang tadhana ay magbabago para sa aming dalawa ni Danica.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now