ALL GIRL'S DRINKING SESSION (WHEN GIRLS' TALK)

134 4 1
                                    

3RD PERSON'S POV



May kanya-kanyang hugot ang mga babae sa kanilang pag-inom. Si Justine bukod sa ina ay pinayagan pa rin ni Sullivan na magtrabaho bilang pulis. Mayroon silang kasambahay na napag-iiwanan ng kanilang nag-iisang anak na si Sulli. Pero kahit sinong mag-asawa ay may pinagdadaanan ding krisis lalo na pagdating sa sex life. Vocal naman ang mga babae sa pinagdadaanan nila.



"Kumusta naman kayo ni Kuya Ivan..." Iyon kasi ang tawag ni Jazzy kay Sullivan.


"Hayun, mamaya ang dating niya kasi ngayon lang daw siya pinayagan ng kanyang boss. Madami daw silang tanggap na pictorial ngayon at loaded na ang ibang photographer ng DreamWorkX."


"Parang last year ganyan din ang dahilan niya..."



JUSTINE'S POV



Ngayong gabi dadating ni Sullivan galing sa pictorial ng DreamWorkX. Nakakainis kasi ang amo niya. Hindi siya pinayagang makasama sa aming outing. Nakakainis din siya, ni hindi man lang niya pinaghandaan ang araw na ito. Taon-taon na lang ganito. Sinabihan ko na siya na magpaalam , a month bago ang araw na ito tapos hindi pa irn pala nagpaalam. Bad trip talaga! Nakakahiya kina Mama.



"Oo nga eh. Hindi na kasi natuto itong si Sullivan. Masyadong makakalimutin..."


"Si Kuya talaga..."


"Tinatanong nga ako ni Mama, bakit nga daw, wala pa si Sullivan. Eh wala akong magagawa, busy talaga sa studio ang asawa ko. Minsan nga lang ito sa isang taon, hindi pa niya magawa.



Samantala, kanina pa palang nakatingin sa kanya si Sullivan. Nasa unang palapag ng dining area ang mga lalaki ang tumatagay ng tig isang bote ng beer. Sinilip lang niya ang asawa.



"O, ano? Nakita mo ba?" Sabi ni Ice.


"Kuya, order ka pa ng beer. Sagot ko..." Kumuha ng kalahating case ng beer si Ice.


"kaya ba nating inumin 'yan..."


"Uubusin natin. Kalahating case lang ito. Tig-dalawang bote bawat isa sa atin, padagdag tayo kapag kulang pa."


"Bakit ngayon ka lang? Alalang –alala si Justine sa iyo."


"Kuya, hindi naman ako ganoon kadaling payagan sa studio lalo pa't madami kaming schedule ng pictorial. Buti nga't sa DreamWorks lang ako at hindi ako ipinadala sa Hongkong eh. Iyon na lang ang ni-request ko. Atsaka , ang traffic kaya..."


"hayun kanina pang nagpapakalasing..."


POLICE STORYWhere stories live. Discover now