BTAG: LEE

206 10 0
                                    


LEE'S POV



Well, sa kanilang dalawa ni Kuya Ice at Jude... ako lang ang walang maikukuwento tungkol sa mga girls aside from Mommy , Justine and Jazzy. Special girl ? Nothing in particular dahil lahat naman sila ay kasundo ko. Wala pa naman akong itinatangi kahit na isang babae na puwede kong maging girlfriend.



Siguro, hindi kasi doon nakatuon ang atensyon ko. Hindi ko pa siya hinahanap at wala pa akong plano na makipagrelasyon. Magti-trenta pa lang naman ako at hindi ako masyadong nag-aalala sa edad. Wala naman akong hinahabol na biyahe para magmadali. Enjoy ko naman ang mga kapatid ko at hindi naman ako mainggiting tao. Hindi ko nakikitang kakulangan ang walang girlfriend. Sa tingin ko, nilulubos ko lang ang panahon ko habang binata pa ako sa piling ni Mommy at ng mga kapatid kong babae.



Si Mirabella Domingo lang ang palagi nilang napagkakamalang girlfriend ko dahil malapit kami sa isa't isa. Pareho kami ng kursong kinuha sa kolehiyo. Criminology ang kursong kinuha ko. Crime Lab Technician siya samantalang nasa SOCO ako. Hindi kami pareho ng duty pero hangga't maaari ay sumasabay siya sa akin sa tuwing may pagkakataon. Special feelings towards her? NO... nothing actually. OO, as in walang special feelings. Malabong ma-develop. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko sa isang babae kaya I have nothing in particular at this time.



Sa tingin ko nga pinagtatakahan na rin ako sa bahay. Baka kahit Mommy at Daddy ko ay nag-iisip na rin kung ako ba eh lalaki talaga o nagkakaroon na ng identity crisis. Hindi naman nila ito dapat ipag-alala dahil 100% and without a doubt lalaki ako.



Give me sometime to think... Marunong akong maghintay. Alam kong darating at darating siya sa tamang panahon. In God's perfect time, I know...



Lihim kong inayos ang aking long term leave . Habang inaasikaso ko rin ang isang kaso ng rape sa Tondo. Madami ng kaso ng rape case doon. Nakakapagod din dahil nakakapuyat ang magdamagang paglalamay sa mga suspek. Sa umaga naman ay kumakalap kami ng impormasyon kung saan matutunton ang mga salarin kaya habulan talaga ang aming labanan. Puwede silang magtago pero hindi naman namin sila tatantanan.



Walang katapusang paroo't parito, opisina-crimelab-opisina-crime of the scene-opisina ulit pagkatapos ng follow up...Mahabang usapan na naman sa pagitan naming tatlo para ma-establish ang puno't dulo ng lahat.



Nakakasakit ng ulo!



Tiyagaan lang talaga pagdating sa mga follow up operation. Masaya naman sa pakiramdam kapag nakakalutas kami ng kaso at naititimbre namin sa bawat presinto ang mukha ng mga WANTED na kriminal.



Hihintayin ko na lang ang release order ko bago ako dumiretso sa seminaryo...

POLICE STORYWhere stories live. Discover now