UNDER MIRA'S CUSTODY

346 3 0
                                    

MIRA'S POV



Hindi ako maaaring magkamali. Ang babaeng ito ay si Danica. Estudyante ng Police Academy at minsan ko na siyang nakitang kau-kausap ni Lee. Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan nila sa isa't isa ngunit minsan ko na siyang pinagselosan.


Bakit ganito? Sino ang gagawa sa kanila ng ganitong klase ng karumal-dumal na krimen? Anong motibo nila upang gawin ang ganitong klase ng kahayupan?

Kinalbo nila si Danica. Puno ng saksak ang katawan niya. May pulso pa siya kaya isinugod kaagad namin siya sa kalapit na ospital. Kailangan niyang malapatan kaagad ng paunang lunas dahil siya ang nag-iisang survivor sa massacre na nangyari sa kanyang pamilya. Ginahasa din siya ngunit ang laceration sa kanyang puwerta, bagamat sariwa pa ay hindi dahil sa rape. Mukhang may nangyari sa kanya bago pa siya ma-rape... Puro paso ang kanyang buong katawan, putol ang kanyang utong ngunit ang mga piraso nito ay dinala doon at maaari pang ikabit through surgery. Isang malaking marka ng ekis ang nasa kanyang likuran at sinadyang gawin ito ng suspek.

Nakikita kong matindi ang galit ng gumawa nito sa kanya. Bugbog sarado ang kanyang mukha at putok ang kanyang labi. Grabeh! Wakwak ang kanyang kamay pero puwede pa itong gawan ng paraan. Puro para ang kanyang mga hita.

Ngunit pilit na nagpapakatatag ang tila gula-gulanit na kalamnan ni Danica. Para siyang basahang gula-gulanit sa kanyang kalagayan ngunit pilit na nakikipaglaban upang mabuhay.

"Laban, Danica... Laban... " Bulong ko sa kanya. Nakakaawa ang kanyang kalagayan. Kung gigising pa siya, mag-isa na lang niyang haharapin ang buhay dahil wala na ang kanyang mga magulang at si Angel.

Nilapitan si Mira ng isang matandang babae.

"Doktora, yaya ako ng pasyente. Kumusta na po siya?" Ngumiti ako sa luhaang matanda. "Kumusta na si Danica?"

"Hindi po ako Doktora. Pulis po ako. Ako kasi ang nagdala sa kanya dito sa ospital. Patuloy po siyang lumalaban ngayon para sa kanyang buhay. "

"Puwede ko po ba siyang puntahan sa loob?"

"Abah, opo...Mas kailangan po kayo ngayon ni Danica..."

"Whitney na lang ang itawag mo sa akin."

"Madam Whitney,ibulong po ninyo kay Danica na lumaban. Magpakatatag siya. "

"Maririnig po kaya niya ako?"

"Maririnig po niya kayo..." Habag at awa ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Umusal din ako ng dasal para sa kanya. Sana makaligtas siya upang maparusahan ang mga gumawa nito sa kanya.

Pababa na ako ng hagdan ng mapansin ko ang mag-anak ni Lee. Kasama ang mama at papa niya. Nandoon din si Lee at Jazzy. Kasama pati ang kanyang Kuya Ice at si Jude.

"Mira, nasaan si Danica?" Hinawakan ni Lee ang mga kamay ko. Nginitian ko ang mag-anak. Tumango naman sila.

"Nasa ICU si Danica ngayon. Nandoon pa ang kanyang yaya. Puntahan na lang po ninyo at maabutan pa po ninyo."

Ah, now I know... Danica must be someone special to the family. Maliban sa bestfriend niya si Jazzy, may relasyon talaga sila ni Lee. Siya nga ang babaeng nakabihag ng puso ni Lee kaya hindi niya ako mabigyan ng pagkakataon upang mahalin.

But what good is it right now?

Kapag nawala siya sa landas ko, Lee will be mine.

Hindi na ako magkukunwari. Naiinggit ako sa kanya pero sisiguraduhin kong mapapasaakin din si Lee.

8RYs"

POLICE STORYWhere stories live. Discover now