MORNING AT LORENZO'S PLACE

146 7 0
                                    

DANICA'S POV



This is a most peaceful weekend at Lorenzo Mansion. Napagod ako sa swimming namin kagabi kaya grabe ang tulog naming dalawa. But despite the tiresome evening, maaga ko pa ring iminulat ang aking mga mata.



"Jazzy, wake up...Jogging tayo sa labas." Yes, we're supposed to have that routine... a morning exercise to start the day tulad ng ginagawa ko sa bahay. Nagti-tread mill na lang ako kasi maliit lang ang aming bakuran para doon umikot-ikot ng takbo.



Hinila ko si Jazzy at iminulat naman niya ang kanyang mga mata at saka nagpunta ng banyo. Naghilamos din ako at nag-toothbrush. Halos pareho kami ng attire. Magkasing tangkad kami at magkasingkatawan. Pareho ding mahaba ang buhok namin, no wonder napagkakamalan kaming kambal sa school at sa academy.



Naka-leggings kaming pareho at dri-fit na running garment sa itaas. Pareho naming itinali ang aming mahabang buhok at nagsuot ng headband atsaka nag-una-unahang bumaba. Nadaanan namin sina Tita Lemuela at Tito Justice sa hapag-kainan. Niyaya kaming kumain ngunit sumenyas ako na mamaya na lang. Nilapitan sila ni Jazzy saka bumati ng halik sa magulang. Uminom ng gatas atsaka tumakbo na kami sa labas.



Malawak ang kanilang bakuran lalo na sa gawing likuran. Secured naman daw ang area at wala namang nagtangkang pumasok sa kanilang private property. May CCTV camera sa lugar kaya hindi ka makakalusot gumawa ng kalokohan. Mabibisto ka kaagad kung sakaling maisip mong magtago sa mga puno at gumawa ng something.



"By the way, kailan pa kayo nagdagdag ng security dito sa mansion?" Tanong ko kay Jazzy.


"I don't get it..."


"I think I have seen your new security guard."


"New security guard?"


"OO..."


"Parang wala naman..."


"OO, mayroon kayong bagong security guard. Ipinakisuyo ko pa nga na igarahe ang black mustang ko.In fairness, ampogi niya..." Hindi ko naitago ang kilig ko.


"Ah so, killer ka na ng security guard. You are in-love with our security guard..."


"NO, I'm not..."


"Well, aalamin ko kung sino siya. Uunahan mo pa akong magka-boyfriend ha! Kaya mo ba sinabing ambaba naman ng standard mo kasi isa lang siyang security guard."


"Siguro.. hindi ko alam..."


"We'll see later, kung sino ba siya?"



Malayo-layo din ang aming tinakbo. Nakakahingal din. May ready-made obstacle course pala sila doon at talaga namang nakakatuwang magtakbuhan. Nakakagaan ang pagtawa kaya itinawa ko na lang ang bumabagabag sa aking kalooban.



Bigla akong natahimik habang hingal na hingal kaming huminto ni Jazzy.



"Bakit?"


"Wala?"


"Iniisip mo si Kai?"


"Hindi ko iisipin ang kumag na iyon."


"Kumag pala ha! Baka naman in-love ka na doon."


"Hindi nga."


"Ipapakilala na lang kita kay Kuya."


"Di ba magkaaway kayo?"


"OO nga pala, magkaaway kami..."


"Ito talaga oh, angdaling makalimot porke't nabigyan lang ng teddy bear."


"Ganoon talaga ako kay Kuya."



Nakabalik na sila sa harap ng mansion. Naupo muna saglit at nagpahinga. Tumayo muli at mag-warm up ulit saka pumasok sa loob. Umakyat sa kuwarto at nagpalit ng pampaligo. Nauna akong pumunta sa pool area.



I am a born swimmer. Sabi ni Mama, three years old pa lang daw ako ay pinaturuan na akong mag-swimming kaya tuwing summer ay itinutuloy-tuloy ko ang aking swimming lesson. Ikinuha din ako ng personal swimming instructor hanggang sa nakita nila ang potential ko for swimming competition. Hindi naman nakakahiya kahit second lang atleast may place pa rin.



Naka-two piece ako at nakaharap sa pool. Nakapameywang pa ako ng oras na iyon ng biglang may yumakap sa akin sa likuran. Sa leeg niya ako niyakap. Amuy na amoy ko ang pamilyar na pabangong iyon ng gabing aksidenteng magising ako sa kung saang kuwarto sa mansion...



"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Hindi mo pa ba ako papansinin." Sabay halik sa pisngi ko. Ngunit bago ako makaharap sa kanya, hinila ko ang kuwelyo niya at ibinalibag ko siya sa damuhan. Kesehodang naka-two-piece ako. Pinilipit ko ang braso niya at hindi ko siya narinig na umaray pero pumalag siya. Nakapatong ako sa likuran niya.



"Jazzy, wait!"


"Who the hell are you?" Bumangon kaagad siya. Ambilis ng recovery niya. "Ikaw?"


"At ikaw din..."


"SIRA ULO KA! pa-Jazzy-Jazzy ka pa... Maniac!" Hindi ko naalalang naka-two piece ako. In fairness, iniwasan niyang titigan ang katawan ko. Umalis siya kaagad. Parang namumukhaan ko ang lalaking iyon... kamukha niya 'yong security guard nila.



Napasimangot ako. May something ba si Jazzy at si Cute security guard. May lover's quarrel ba sila para mapagkamalan akong si Jazzy?

POLICE STORYWhere stories live. Discover now