FAMILY REUNION

130 6 1
                                    

LEE'S POV



Bandang alas dose na ako dumating. Nagkakagulo na ang mga batang maliliit, hawak sila na kanilang mga yaya. At ang mga nanay nila, busy sa kakukuwento sa isa't isa na parang isang taong di nagkita. Nasa isang lamesa din sina Kuya Ice, si Jude at si Justine pero hiwalay sina Jazzy at Danica. Kasama sila nina Mama at Papa at ni Lola Thelma.



Nakita kong malungkot si Danica. Pero sumungaw ang ngiti niya ng makita ako. Pati rin ako ay masaya dahil nakita ko siya. Lumapit muna ako kina Kuya Ice at Jude.



"Uy, kompleto na tayo. Hahaha! " Sabi ni Kuya Ice sabay apir ko sa kanya at kay Jude. Lakas ng mga tawa namin. Miss din namin ang company ng isa't isa.


"Kuya, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Jude.


"May inasikaso pa ako... Kompleto ba? Nandito ba si Xity? Baka naman buntis na naman ha!"


"Tingnan mo itong si Kuya... Ikaw ba mayroon ng girlfriend , kung makakoment ka, wagas ha! Akala mo naman... Hindi mo mapapatunayang lalaki ka hangga't hindi mo nakikita ang kamukha mo..."


"Malapit na, masyado mo namang minamaliit ang kakayahan ko..."


"Hindi ka nga marunong yatang manligaw eh. Nasaan? Nasaan ang ipinagmamalaki mo? Wala naman si Mira ah" Masyadong napalakas ang sabi ni Kuya. Nilingon ko sina Danica at Jazzy. Mukhang nakikinig siya sa usapan namin. Malakas talagang mang-asar sina Kuya ice at Jude.


"Uy, kuya... akala mo naman napakagaling mong manligaw. " Nagkatawanan tuloy kami ng sumabat si Jazzy. Alam na, si Jazzy kasi ang tagapagtanggol ko kahit kailan.


"Pssst! halika dito. Bakit mo kasama si Danica?" Tanong ni Jude.


"Isinama ko siya kasi baka ako ma-bored."


"Dati naman kahit wala kang kasama okay lang." HInayaan ko silang magkuwentuhan at nilapitan ko na si Danica. Bahala silang mag-isip.


"Did you enjoy the place? Mamaya mamasyal tayo sa mga kalapit na resort." Kinindatan ko siya.


"Ano bang iniisip mo?" Nagkibit-balikat ako.


"Bahala ka. Malaya kang isipin ang gusto mong isipin. Basta mamaya ha!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil na-miss ko siya.



Huli ko nang nilapitan sina Mama at Papa.



"Lee, behave ka ha!"


"Mama, I am running out of time for behaving too well." Iyon lang ang sinabi ko at kinidatan ko siya. Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon para ipakilala si Danica sa lahat. Bahagi iyon ng aming get together.



"Lend me your ears, Brothers and sisters... Listen to me all Lorenzo clan... Ipinakikilala ko sa inyo ang aking Girlfriend... My Official Girlfriend Danica Bridge Mayers..." Nagpalakpakan ang lahat. Tuwang tuwa sa amin ng mga oras na iyon.



Niyakap ni Mama at Papa si Danica. Lalong mas masaya si Jazzy. Kilig na kilig sa aming dalawa. Lahat ay bumati sa aming dalawa. Kung alam lang nila... ang lahat ay may hangganan din. Nilubos ko ang bawat oras at pagkakataon habang amin pa ang mundo.



POLICE STORYWhere stories live. Discover now