THE BEGINNING

154 6 1
                                    

LEE'S POV



Hindi ko alam kumbakit ako nagkakaganito kay Danica. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong kunin ang atensyon niya. Grabeh ang tibok ng puso ko ng makita ko siyang pababa ng hagdan. Angganda niya. Bagay na bagay sa kanyang ang damit na suot niya. Hindi na ako nagkaila, itinabi ko siya sa front seat kahit si jazzy ang talagang itinabi ko doon.



Pagdating sa simbahan, aminado siyang hindi sanay magsimba sa mataong simbahan na tulad noon. Ilag siyang mapadikit sa ibang tao. Nakita ko ang luha niya at sa tingin ko ay may matindi siyang pinagdadaaanan.



Pag-uwi sa bahay, naisipan kong mag-swimming. Mabuti na lang...hindi ako masyadong nagtagal sa kusina. Tsinika pa ako ni Lola Thelma. Naikuwento kaagad ni Mommy na mukhang magkaka-girlfriend na daw ako.



"Uhm, Lee... Sabi ng mommy mo, mukhang magkaka-girlfriend ka na ha!"


"Hay si Lola talaga..."


"Okay lang iyon Iho. Masayang mag-asawa..."


"Iyon po eh kung iaadya ng Diyos na mag-asawa ako."


"OO naman. Siya sige na at maligo ka na...Maalinsangan ang panahon."



Pagliko ko ng likod-bahay, napuna ko kaagad ang puting bathrobe na nakasampay sa may bakal na upuan. Hinanap ko kung kanino iyon pero wala akong nakita. Hanggang sa mapansin ko ang paglutang ng isang pamilyar na katawan. Napatalon kaagad ako sa pool. Si Danica pala...



Ipinuwesto ko siya sa semento . Tinawag ko muna ng tatlong beses ang pangalan niya. "Danica, Danica, Danica " pero hindi siya tumugon. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal sa ganoong sitwasyon. Hinanap ko ang kanyang pulso. Okay naman at hindi ako nagdalawang isip na i-mouth to mouth siya. Susme, hindi ko alam kung mouth to mouth ba ang gagawin ko o i-lilips to lips ko siya. Hay, anong pakiramdam ito?



Saka ako nagsagawa ng CPR...1001, 1002, 1003, bigla siyang umubo at inilabas niya ang tubig na nainom niya.



Niyakap ko siya ng mahigpit. Napaiyak siya sa takot. Akala ko nga eh patay na siya. Nalaman ko na lang na pinulikat pala siya. Humingi naman daw siya ng tulong pero hopeless. Walang nakakaalam na nagsu-swimming siya.



"Salamat Kuya..." Awkward pakinggan ang pagtawag niya ng kuya sa akin. Parang ayoko ding tinatawag niya ako ng kuya.



Matapos niyang magpahinga ay naisip niyang umakyat na ng kuwarto pero nakita kong iika-ika siya dahil na rin sa kanyang pulikat kaya pinangko ko siya sa aking bisig. Ano naman ang nagtulak sa akin na gawin 'yon? Ewan ko, basta gusto ko lang gawin kasi nakikita kong nahihirapan siya. Nataranta siya at gusto niyang magpababa pero wala siyang magawa. Hawak ko na siya.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now