INTRUDER

163 7 0
                                    

LEE'S POV



Madaling araw na akong dumating at patuloy ang kasiyahan sa aming bakuran. Tama nga ang hinala ko, pool party ang hiniling ni Jazzy para sa kanyang birthday. Sa bukana pa lang ng gate ay kitang kita kong madami siyang bisita. Sa Police Academy malamang ang karamihan at ang ilan ay mga close friends niya noong high school. Full-packed ang garahe, muntik na akong walang mapuwestuhan, mabuti na lang at nailagay ko ang reserved sa dati kong puwesto.



Lakas ng tugtog. Maingay din ang lugar dahil sa halakhakan at sigawan. Dinig na dinig ko ang splash ng tubig. Sa kusina ako dumaan at nadatnan kong gising pa si Lola Thelma kaya napasubo ako sa paghuhugas ng plato.



"Lola, ako na po dyan..." Nakita kong pagod na si Lola at hindi rin magkanda-ugaga ang mga kasambahay. Bukod kasi sa catering ay nagpaluto pa ng extra si Mommy kung sakaling kulangin.



Obviously, strictly no beer or any liquor sana, kaya lang nakapagtakas pa rin sina Jazzy ng ilang bote. May cooler sa likod na puno ng beer. Hindi ko alam kung pinayagan sila ni Mommy at Daddy. Napasilip ako sa likuran. Nakita kong napakaiksi ng maong shorts ni Jazzy. Noon ko lang siya nakitang nagsuot ng ganoon.



Naglipana ang mga bisita niyang nakabikini puro mga naka-two piece. Naka-swimming trunks naman ang mga lalaki. May mga nakalublob talaga sa pool. May mga kumakain at sumasayaw habang dikit na dikit ang mga basa nilang katawan. May ibang nasa gilid lang ng pool at nakaupo sa may hagdan. May ibang nakalublob ang mga paa sa pool na tipong nagtatampisaw lang.



Hindi ko maaninag ang kausap ni Jazzy. Pormal ang damit niya bagama't nakashort siya ng itim. Maiksi rin pero mukhang hindi naman hanggang singit. Naka-sleeveless ng lace at halata ang kanyang di kalakihang hinaharap at mahaba ang buhok niya. Mukhang inaawat ni Jazzy . Madaming bote sa harap ng kanyang mesa. Hinawakan pa ni Jazzy ang kamay nito at inihagis sa damuhan ang bote. Hmm, sa tingin ko nga... may something.



Anyways, umalis na lang ako. Malaki na silang pareho at alam naman nila ang kanilang limitasyon. Madaming puno sa paligid pero may mga CCTV camera dito kaya mapapahiya ang mahahagip ng camera. Ipinaghain pa ako ni Lola ng pagkain.



"Lee, kumain ka muna. May nilakad ba kayo ngayong gabi?"


"Opo , Lola...Kanina pa po ba ang party?"


"OO. Ayaw ngang paawat ang kapatid mo. Bago namin siya napababa ni Lemuela eh nagwala pa. Kung hindi nga dumating si Dan, baka wala ng party..." Napabuntunghininga na lang ako.



Mahirap pa namang mawala ang tampo ni Jazzy. Sa kanilang dalawa ni Justine, mas matagal mawala ang kanyang tampo. Unpredictable pa siya. Hindi mo siya madadala sa kung anu-anong bagay maliban lang kung talagang nagustuhan niya iyon. Gusto ko na ring magpahinga kaya dumiretso na ako sa aking kuwarto sa taas.



Hindi ako nagbukas ng ilaw. Dumiretso ako sa aking banyo at hinayaang bukas iyon. Nag-hotbath ako para maginhawaan ng konti ang aking katawan. Pakiramdam ko ay nanlalagkit ako sa sobrang pawis kanina. Naka-boxer shorts lang ako at sandong puti. Kinuskos kong mabuti ang aking buhok atsaka ibinagsak ang aking patang patang katawan sa malambot na kama.



Walang ganito sa seminaryo. Bilang na bilang ang kilos mo doon. Kapag sinabing tulog na , tulog na lahat. Lights off kung lights off. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog.



Ramdam ko ang pagod at puyat. Antok na antok talaga ako ngunit nakaramdam ako ng pag-uga ng aking kama. May kumalabog na kung ano sa aking sahig. Hindi ko alam kung nananaginip ako. Naramdaman ko ang init sa pagsagi ng kanyang balat sa aking braso. Humapas ang animo'y buhok sa aking mukha at hinagilap ang labi ko. Diyos ko po! Sino ito? Napakagaling niyang humalik. Dinig na dinig ko ang tunog at pagpitik ng kanyang sabik na sabik na labi. Dumadagundong ang dibdib ko sa sobrang kaba.



Lumikot iyon at pumatong sa akin. Hindi ako makakilos sa kanyang ginawa. Hindi ko alam kung paano ako tutugon. Nananaginip ba ako o totoo ito? Naamoy ko ang kakaibang pabangong iyon. Alam kong babae ang pumasok sa kuwarto ko.



Hindi siya nakuntento at dinukot niya ang aking alaga sa loob ng aking boxer shorts. Alaga ko mismo ang kanyang nahawakan dahil ugali kong hindi na mag-brief tuwing natutulog. At talagang nataranta ako sa ginawa niya. Muntik akong mapamura. Pakiramdam ko ay minomolestya ako ng mga oras na iyon ng kung sinong naglakas loob na pumasok ng aking kuwarto. Pinaglaruan niya ang aking alaga. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nanigas ito. Nag-init ang buo kong katawan. Ramdam ko ang kanyang dibdib na bumubunggo sa aking dibdib. Nanigas ako sa aking kinahihigaan. Napakapit ako sa comforter ko, iyon siguro ang pakiramdam ng pinagsasamantalahan. Mas matindi sigurong takot kung babae ang ginagawaan ng dahas.



Hanggang sa bigla siyang tumigil sa aking kandungan. Nakapatong lang siya sa ibabaw. Nakasubsob ang kanyang ulo sa aking balikat. Amuy na amoy ko ang kanyang buhok at lasang lasa ko ang pait ng kanyang labi. Mmm, lasa siguro ng beer iyon. Napayakap ako sa kanya sa dilim. Kinapa ko ang lampshade na nasa tabi ng aking kama . Iniayos ko siya ng higa. At tumambad sa akin ang mukha ng isang diyosa. Juskopo, anong klaseng tukso itong nakapasok sa kuwarto ko? Napakaganda niyang tukso. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik-mata at baby kong matulog. Pabaling-baling siyang natulog dahil siguro sa kanyang nainom. Siniksik niya ako sa aking higaan. Sa bisig ko talaga siya natulog. Nawala ang pagod ko sa ginawa niya.



Hindi ko siya kilala . Hindi ko alam kung paano siya nakaakyat sa kuwarto ko. Bigla kong naramdaman ang paggalaw ng aking knob at nagtulug-tulugan ako. Hindi na nila ito pinilit pang buksan.



Nakatulog ako sa sobrang pagod at puyat. Hindi ko na namalayan kung anong oras ,bumangon si Miss Maganda.


POLICE STORYWhere stories live. Discover now