LEE

134 5 0
                                    

DANICA'S POV



Hindi ko inaasahang makikita si Prof Lee sa parking lot ng simbahang iyon. Buhos pa naman ang iyak ko. Emote na emote ako , feel na feel ko ang sitwasyon. Moment ko iyon pero biglang bumungad ang mala-anghel na mukha ni Sir. Nakakahiya, napatakbo ako papasok ng aking kotse pero humarang siya sa runway.



Nag-usap kami sa loob ng kotse at nasukol niya ako. Tinanong niya ako kung bakit ba ako galit na galit sa kanya. Kung galit ba ako kay Jazzy dahil sa kanya pero hindi ko sinabi ang totoo.



Kapag kaharap ko kasi si Sir, hindi ako makapag-isip ng matino. Ang totoo, nakakatulala ang kaguwapuhan niya. Ang tangos ng kanyang ilong, ang nipis ng labi niya, mapungay ang mga matang may mahahabang pilik-mata, pantay-pantay ang kanyang ngipin at daig pa ang isang babae. Maganda ang kanyang pangangatawan, may muscles ang braso pero hindi gaanong matcho. Sapat lang. Napakaputi niya a please lang, ang amo ng mukha niya para sungit-sungitan lang. Sa kanyang pagiging maamo, alam mo ring likas siyang mabait. Anghel siyang maituturing.



Nagulat ako sa ipinagtapat niya. Gusto raw niya ako. Paano pa ako? Mahal ko na siya. Totoo ang sabi ni Jazzy. Matagal ko nang crush ang kuya niya. Grabe, noong teenager ako, pinagpapantasyahan ko siya sa tuwing pinanunuod ko sila sa swimming pool. Naka-swimming trunks lang kasi si Sir sa tuwing maliligo. Payat pa nga ang katawan niya noon eh.



Bigla ko na namang naalala ang nangyari noong birthday ni Jazzy. Hindi ko maiwasang balikan iyon sa aking alaala. Ako yata ang nakapatong sa kanya habang ginagawaan siya ng kahalayan. Napangiti ako at napayakap ako sa aking unan at nag-imagine na si Sir ang pinatungan ko at hinalikan. Na-i-mouth- to- mouth daw niya ako sa pool noong aksidente akong malunod . Tapos noong kinukuha ko ang susi at ako ang humalik sa kanya. Kaya naman, parang angsarap niyang halik-halikan lalo akong napraning ng halikan niya ako kagabi. Napaka-gentle niyang humalik at nalilipad ng hangin ang aking isip. Behave ang kamay niya. Di tulad ko...kung anu-ano na ang nahawakan ko ng halikan ko siya dahil umabot na sa utak ko ang alak na ininom ko.



Sabi noong mga kaibigan ko, masarap daw makipag-sex ng lasing. "Yong makikita mong hubad ka na paggising mo ng wala kang naaalala. Hindi mo alam kung sino ang mas wild sa inyong dalawa. Weird and funny and exciting di ba? Sayang , wala na kaong masyadong maalala sa pakiramdam na iyon.



Nasampal ko si Sir ng tanungin niya kung kami na daw ba matapos niya akong halikan. Ano 'yun? Is kissing a sort of permission to get into a relationship? I should know, sabi nga ni Jazzy eh wala pa daw naging girlfriend ang kuya niya pero noong isang beses na kausap ako, may biglang lumapit sa amin na babae at ako ang napagkamalan niyang girlfriend ng kuya niya. Halatang nagtatalo sila. May something sa kanilang dalawa.



Kinabukasan, tulad ng dati, wala akong ganang ngumiti. Pinilit kong ipakita kay Prof. Lorenzo na balewala ang nangyari sa amin kagabi at hindi niya ako kailangang alalahanin. Nakinig ako sa lecture niya. May video kaming pinag-aralan. Humingi siya ng mga opinyon namin tungkol sa pangangalap ng ebidensiya at pagsi-secure nito sa pangangalaga ng pulisya para sa kasalukuyang kaso na iniimbestigahan.



"May mga tanong ba kayo?" Nagtaas ako ng kamay.


"Sir, paanong nawawala sa pangangalaga ninyo ang mga ebidensiya?" Akala kasi siguro ni Sir may kasunduan na kami na magiging mabait na ako sa klase niya.


"That has to be proven na talagang nawala, I will not be possible as it is kept inside an evidence archive."


"Pero bakit po sa ilang mga pagkakataon ng mga imbestigasyon, nahihirapan ang mga biktima na patunayang nangyari ang isang krimen kahit matibay ang ebidensiya. Ang problema, mayaman kasi ang sangkot, maimpluwensiya kaya puwedeng bayaran...."


"Magiging pulis ka rin , Miss Mayers... Maiintindihan mo ang trabaho nating mga pulis kapag nandito ka sa lugar ko."


"Naranasan mo na rin bang mawalan ng ebidensiya habang nagsasagawa ng imbestigasyon?"


"Sa awa ng Diyos, hindi pa..."



Tamang tama, nag-bell na. Saved by the bell, hindi na ako makikipag-argumento sa kanya. Sinabayan niya ako sa labas. Nakatingin lang sa main si Jazzy.



"Talagang gustong gusto mong makipag-argumento sa akin sa klase, anoh?"


"Nagtatanong ka di ba kung may tanong kami. Sinasagot ko lang. Masama ba ang tanong ko? Sa susunod, huwag ka na lang magtanong..."


"Danica..."


"Prof. Lorenzo..."


"Di ba sabi ko, Lee na lang kapag tayo lang..." Bulong niya sa akin.


"What makes you think na papayag akong maging girlfriend mo? Huwag mo akong daanin sa edad."


"Hindi naman ah!"


"Hindi mo ako madadaan sa halik para lang maging girlfriend mo..."


"Eh di ba hinalikan mo rin naman ako para lang makuha mo ang susi mo?"


"Bakit ibinigay mo ba sa akin?" So iniisip niya na ang isang bagay ay puwedeng makuha dahil lang sa halik.


"So..."


"So huwag kang assuming na tayong dalawa..."



Nagmadali akong naglakad. Pansamantala, iba ang kasa-kasama ngayon ni Jazzy. Mag-isa lang ako sa mesa kahit pasulyap – sulyap siya ng tingin sa akin.



Naging mailap din ako kay Prof. Lorenzo. Ganoon pa rin ang ugali ko sa klase niya. Wala kasing masyadong nagtatanong sa mga kaklase ko. Hindi ko naman siya pinipersonal kapag nagtatanong ako. Klase niya iyon eh.



"Galit ka pa rin ba sa akin?" Text ni Jazzy. Himala, nag-text din siya sa wakas. Mabait talaga silang magkapatid. Hindi ako nag-reply.



Sinisikap kong hindi magkukurus ang landas namin ni Prof. Lorenzo. Baka kasi kung ano na naman ang gawin niya sa akin lalo pa't natututo na siyang humalik.


POLICE STORYWhere stories live. Discover now