SECRET DATES

143 5 1
                                    


LEE'S POV



Magkasabay umuwi sina Jazzy at Danica kaya okay lang na una siyang umuwi. Kailangan din niyang magpahinga. Dumiretso ako sa simbahan, umusal ng pasasalamat at gabay na sana ay tama ang ginagawa ko. Masaya ako pero nangangamba pa rin.



Tapos nang kumain sina Mama at Papa. Nasa sala sila at nanunood ng 'SO CLOSE" .



"Good evening..." Bati ko sa kanila. Lumapit ako kay Mama at Papa para humalik.


"Kumain ka na ba?" Umiling ako.


"Gusto mo bang ipaghain kita?" Umiling akong muli. Pababa na si Jazzy.


"Lemuela, ginagawa mo na namang bata ang anak mo. Dito ka na lang sa tabi ko, Honey."


"Honey? Kailan mo pa ako tinawag na Honey..." Heto na naman kami. Babalikan na naman nila ang nakaraan...Hahaha, minsan ganoon sila ka-sweet kahit may edad na sila.



Hinila ako ni Jazzy. "Ako na lang po ang sasama kay Kuya, Mama"



"Mabuti pa nga..." Sabi ni Mama. alam kong iintrigahin lang niya ako kaya niya ako sinamahan. Ipinaghain ako ng aming kasambahay . Tinititigan ako ni Jazzy habang sumusubo ako ng pagkain.


"Kuya, saan kayo nanggaling kanina ni Danica?Pinagalitan mo na naman ba siya? "


"Hindi ah..."


"Bakit siya mukhang umiyak?"


"Bakit hindi siya ang tinanong mo?"


"Kuya, hindi mo ba gusto si Danica?"


"Gusto..."


"Liligawan mo ba siya?"


"Kung puwede pa..."


"Paano kung huli na, pipigilan mo ba?"


"Huli na pala eh, bakit ko pa siya pipigilan?"


"Kuya naman..."


"Ang tunay na nagmamahal ay mapagpalaya..."


"Bakit ka ba alalang –alala sa kaibigan mo. Malaki na 'yon at alam niya ang kanayng ginagawa."


"Hay, kasi naman..."


"Kasi naman ano?"

POLICE STORYWhere stories live. Discover now