GRAVE MISFORTUNE

746 4 0
                                    

LEE'S POV



Hindi ko alam kung bakit ako nandoon. Hindi ko rin alam kung saan ang lugar na iyon. Basta't nakaupo ako sa kahoy na upuan...


"I am sorry..." Sabi ng mga tinig.

"O bakit ka nagso-sorry ngayon sa akin."

"Kasi I now admit that I was so wrong with what I did. That's why I said, I am sorry. Please.."

"Kiss mo muna ako..."

"Okay na..."

"You are forgiven..."

Biglang napalitan iyon ng sigaw at humihingi ng tulong. Puno ng dugo ang kanyang katawan. Hindi ko halos maaninag kong siya nga iyon maliban sa kanyang boses. Sigurado akong si Danica nga iyon. Napasigaw ako sa takot. Pawisan ako. Binuksan ko ang lampshade. Oh God...

Naalimpungatan ako sa panaginip na iyon. Parang totoong totoo.

Kanina pa palang nagba-vibrate ang cellphone ko. Si Gaspar ang nasa linya. Nagulat ako kasi biglang – bigla ang pagtawag niya kung kailang dis oras ng gabi. Mukhang emergency...

"Pare, alam mo ba kung anong oras na..."

"Lee, kailangan ka sa SOCO ngayon..."

"Bakit?"

Pupungas-pungas pa ako... Biglang kumatok si Mama. Pinagbuksan ko siya ng pinto habang kausap ko si Gaspar. Binuksan na ni Mama ang ilaw sa loob ng aking kuwarto. "Lee, kanina pang tumatawag si Gaspar..." Sumenyas ako na kausap ko si Gaspar .

"Pare, sige na. Ikaw ang expert dito eh. Tulungan mo na rin kami." Nagmadali na akong kumuha ng pantalon ko at nagbihis. Pinatay ko ang linya ng telepono...

"Sige na. Alam mo namang may klase pa ako bukas eh..." Susunduin daw ako ng kotse. On the way na sila.

"Mama, bakit po?"

"Saan ka pupunta?"

"Kailangan lang po ako ngayon sa presinto. Babalik din po ako."

"Iho, huwag ka nalang pumunta." Niyakap ako ni Mama. "Mama, ano po bang problema? Dito ka na lang." Mabuti at dumating si Papa.

"Lemuela, halika nga dito.."

Nagtaka ako sa ikinilos ni Mama, wala namang sinabi si Papa pero talagang urgent ang pagkakasabi ni gaspar. Dati naman akong umaalis ng ganoong oras pero nakakapagtaka na ngayon pa ako pipigilan ni Mama. Pati si Papa ay naistorbo tuloy.

"Ingat, Lee."

"Yes, Papa..."

Eksaktong pagbukas ng gate ay huminto ang police mobile ni Gaspar kasama ang dating kapulisan na madalas mapasabak sa follow up operation.

"Pare, hindi ka na ba talaga babalik sa presinto? Na-miss ka na namin doon pare. Tambak na ang gagawin namin. Nawalan kami ng motivation ng iwan mo kami. "

"Mas nai-enjoy ko ang pagtuturo pare."

"Sus, mukhang may lovelife ka na ha!"

"Malay mo padalhan na lang kita ng wedding invitation."

Binagtas namin ang daang iyon. Kinilabutan ako. pamilyar ang daan. Sa gate pa lang ng subdibisyon, alam ko na pero malakas pa rin ang pananalig ko. Same street ang tinungo namin. Oh God please...

"Pare, halika na..."

"Dito ba?"

Ambigat ng bawat hakbang ko. Parang hindi ako makahinga. Napatakbo ako papasok. Kinordonan kaagad ang lugar.

Gumuho ang mundo ko ng bumulaga sa akin ang hubad na katawan ng a katawan ng isang babae. Nakadapa sila. May malaking ekis sa likod. Nagkalat ang buhok sa loob ng silid.

"Sarge, iyan ang bunsong kapatid. Si Angelica Mayers..." Ayokong marinig ang susunod na pangalang kanyang babanggitin... "Ang panganay, agaw – buhay... Tadtad ng saksak ang buong katawan. ni Danica... " Diyos ko po, tulungan po ninyo si Danica.

"Grabe, Pare... Hindi kinaya ni Mira ang ..."

"Nandito si Mira..."

Nagguwantes na ako habang papasok ng kuwarto pero hindi ko kinaya. Mamatay ako ng mga oras na iyon sa aking nakita. Hindi ako makaiyak. Isa itong napakasamang biro.

"Pare, anong nangyayari sa iyo?" Nagtatakbo ako sa labas at naduwal ako.

Hindi ko kayang mag-usisa ngayon. May trabaho akong dapat gawin. Sana abutan ko pang buhay si Danica pagkatapos nito. "Lord , huwag mo pong pahintulutan...Please." Pinilit ko pa ring gawin ang aking trabaho bilang imbestigador. Kaya ako nandoon upang tulungan sila.

Umaga na akong nakabalik ng mansion.

Pinagsusuntok ko ang pader sa sobrang sama ng loob. Iyak ako ng iyak sa bahay. Doon ako nagbuhos ng galit sa mundo. Tuliro akong umuwi. Sa tinagal-tagal ko sa serbisyo, ngayon ko kailangan ng hustisya. Sinalubong ako ni Mama. Namumugto ang mga mata nila. Yakap ni Papa si Jazzy.

"Kuya...."

"Mama..." Niyakap ako ni Mama. Pumasok kami sa bahay. Umiyak ako na parang bata pero walang luha.

"Iho, sabihin mo sa akin. Anong nangyari?" Humahagulgol si Mama.

"Mama...sana makaligtas ni Danica. Tadtad ng saksak ang buo niyang katawan. Hindi halos makilala ang kanyang mukha... BInaboy nila ang katawan niya. Patay na ang mag-asawang Mayers pati ang bunso niyang kapatid. Huwag naman si Danica. " Hindi ako makaiyak habang nagkukuwento.

"Punung puno siya ng dugo... Hindi sila makilala, Mama"

"Mama, hindi ko kaya. Waaahhhhhhhh..."

Para akong napraning ng mga oras na iyon. Hindi kinaya ng utak ko pati ng emosyon ko ang lahat.

"AAAAAAAHHHHHHH! DANICAAAAAAAAAAA!" Niyakap ako ni Mama.

"Lee...magpakatatag ka!" Iyak ng iyak si Jazzy. Nakayakap siya kay Papa. Lumabas ako ng bakuran at doon ako nagwala. Tunog ng tunog ang mga telepono sa bahay pati cellphone ni Lola Thelma. Tawag iyon mula kina Kuya Ice at Jude. Maya-maya pa, nandiyan na sila sa mansion. Nakita daw nila ang morning news.

Dinamayan nila ako sa nararamdaman ko ng mga pagkakataong iyon. Sinisi ko ang aking sarili. Nagmamakaawa pa naman si Danica na huwag ko na siyang iuwi . Takot na takot siya sa maaaaring mangyari. Heto nga...

Kung sana pinakinggan ko siya...

Huli na para magsisi...

9

POLICE STORYWhere stories live. Discover now