A MOTHER'S THOUGHT

200 10 0
                                    

LEMUELA'S POV




Hindi na ako nagtaka . Hindi na rin ako nagulat. Nakikita ko kay Leeam ang ganoong mga katangian. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon sa akin ngayon. Alam kong busy siya sa trabaho at sa tagal ng panahon, ni hindi ko siya nakitang naging pasaway na anak sa akin. Naging napakalambing at napakamasunurin niya sa akin. Hindi siya sakit ng ulo tulad ng dalawang magkasunod na anak kong babae. Ke babaeng tao ay mga pasaway. Sa edad niya ngayon, ni wala akong nababalitaang girlfriend. Sa mga panahong ganito at day-off niya, wala siyang date kaya madalas niyang gawin ang nakasanayan ng paghahatid sundo sa kanyang kapatid na si Jazzy. Si Jazzy na lang ang walang lakas na loob na magmaneho. Masyado siyang nakadepende sa kanyang kuya at kay Dan.



Masinsinan kaming nag-usap ni Lee ng umagang iyon.


"Iho, may problema ba? Tell me..."


"Mom, ayoko lang po talagang humawak ng baril"


"What's wrong with a gun?"



"Mom..." Okay, hindi ko ito inaasahan... Mahabang katahimikan bago ako tuluyang napabuntunghininga ng malakas. Parang naiiyak na ako. Napawi ang aking saya at napalitan ng kalungkutan at matinding pag-aalala. Anytime soon, puwedeng umalis si Leeam sa amin." Naalala po ninyo noong high school kami at muntik na tayong ma-ambush... Masyadong matindi ang epekto sa akin ng insidenteng iyon. Siguro, naka-moved on na ang mga kapatid ko... pero ako, mukhang hindi pa . " Huminto siya. Alam kong hindi niya kayang balikan ang malagim na bahaging iyon ng nakaraan ng paulanan ng bala ang Mercedez Benz na dala ko ng sunduin ko sila sa school para lang sana mag-icecream. Susunod na lang sana noon si Justice pero nangyari na eh. Siya ang tekki sa amin kaya nagawa niyang humingi ng tulong sa kanyang Daddy gamit ang GPS. Hindi ko akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Kung hindi kaagad nalaman ni Justice ang kinaroroonan namin, baka patay na kaming lahat.



Tuluyang tumulo ang luha ko. Hindi ko man lang siya natulungang makayanan ang bigat na kanyang dinadala sa matagal na panahon.



"Anak, hindi sagot ang pagpapari."


"Mommy, hindi naman po sa ganoon..."


"Bakit pagpapari?"



Umiyak ng tuluyan ang binata ko. Humahagulgol siya sa iyak at nararamdaman kong masyadong mabigat ang kanyang dinadala ngayon. Hindi ko alam na ito ang kanyang magiging desisyon. Wala namang nakapagtataka kumbakit niya gustong magpari. Well, for a change, isa sa lima kong anak ang lilihis sa pagpupulis. Gusto niyang magpari.



Nadatnan kami ni Justice na nag-iiyakan. Alam kong dadaanin na naman niya sa biro ang lahat. Ayoko kasi niya ng masyadong madrama.



"Anong nangyari?" Tanong ni Justice. "Parang kinakabahan ako ha! Baka naman may nabuntis ka na at hindi ka pa nagsasabi." Pinalo ko si Justice na noon ay umupo sa tabi ko. Alam kong pinagagaan lang niya ang sitwasyon. Ugali na nila iyong mag-aama.


"Dad..." Sabi ko...


"Dad, gusto ko pong magpari." Si Lee na ang nagtuloy nang sasabihin ko. GInagap niya ang kamay ko at pinahid niya ang aking luha kaya lalo akong napaiyak.


"Mommy, puwede bang tigilan mo nga ang kaiiyak mo. Daig mo pa ang namatayan. Magpapari ang anak mo. Buti nga at iyon lang ang balita niya sa iyo. Atleast hindi siya nagtanan ng babae..."


"Justice naman..." Palagi nga namin siyang naikukumpara sa dalawa naming anak na lalaki.


"May tinatakasan ka ba?" Tanong ni Justice kay Lee.


"Wala po."


"Sigurado. Ngayon pa lang ay magsabi ka na at ayokong magugulat na lang kami dito at may maghahanap sa iyo. Baka naman tatahi-tahimik ka tapos mag-asawa ka na rin tulad ng kuya mo. "


"Dad, magpapari nga po ako..."


"Kailan mo balak? Kailangan ka pa ba naming ihatid sa seminaryo?"



Parang ako naman ang nabahala. Mukhang ganoon kadaling pakawalan ang mga anak lalo na iyong mga malapit sa iyo. Not my Lee. Hindi ko alam kung magiging madali iyon para sa akin.


POLICE STORYWhere stories live. Discover now