BBRM: SIMPLE LEEAM'S STORY

314 8 0
                                    

LEMUELA'S POV



Si Leeam Juz ang tekki sa pamilya namin. Mahilig siyang magbutingting ng kung anu-ano. Mahilig siyang pumasok sa aming mala-showroom na kuwarto na puno ng kung anu-anong bagay na may kinalaman sa aming dalawa ni Justice. Kaya niyang i-operate ang isang bagay kahit walang manual. Kunting kalikot sa mga piyesa , sa ng buttons, tinitesting niya lahat hanggang sa gumana ito.



Tahimik at seryoso siyang bata. Parang palaging malalim ang iniisip pero magiliw sa kanyang mga kapatid na babae lalo na kay Jazzy Lane. Madalas siyang awayin ni Justine at hindi naman niya pinapatulan ito. Kahit madalas siyang pagkatuwaan ng dalawa kong babae, kinukulit din niya ang mga ito. Nakita ko ang hilig niya sa baril. Minsan ko siyang nakita na humawak ng baril. Pinagsabihan ko lang siya pero umiyak siyang bigla sa takot. Noon ko lang siya nakitang nanginig sa nerbiyos. Sorry siya ng sorry sa akin.



Alam niya ang patakaran namin sa bahay lalo na sa mga baril na nakikita nila sa basement gun room . Bagamat naka-display hindi talaga iyon hinahawakan. Good for your eyes only. Matindi pa namang magalit si Justice kapag may nalaman siyang sumuway sa mga simpleng bilin na iyon. Kahit nga sina Ice at Jude ay hindi rin nakaligtas sa parusa ng ama.



Mabait na bata si L-Juz. Wala akong masamang tinapay sa kanya. Wala akong maipipintas sa kanya. Siya ang madalas pagkaisahan nina Ice at Jude lalo na sa tuwing naglalaro sila ng basketball sa likod bahay. Minsan kahit mas gusto niyang samahan ang kanyang mga kapatid sa pool, pipilitin pa siya na makipaglaro sa kanila. Sumusuko siya dahil dinadaya siya ng dalawa.



Sa lovelife, mukhang pinakapihikan siya sa lahat. Ah hindi ko masabi kung talagang pihikan siya. May crush naman siya noon bata pa lang siya . Hindi naman niya malapitan ang kanyang crush sa sobrang pagkamahiyain niya. Wala akong nabalitaan na naging crush o secret crush niya noong nasa high school na sila. Hindi ko rin siya maintriga sa kanyang mga kuya. Pero may babaeng madalas na lumalapit sa kanya at madalas din niyang sungitan. Ang pagiging tahimik niya ay katumbas ng pagsusuplado niya sa mga babae. Hindi naman niya binabastos, inaasar lang daw naman niya. Pasimple siyang mang-asar at hindi ko nakikitang napipikon ang dalagang iyon. Ah, MiraBella Domingo ang pangalan niya.



Minsan, naitanong ko lang naman kay Justice pero minasama ng ama ang aking tanong tungkol sa kanyang anak. Nagpapahangin kami sa bakurang ng gabing iyon. Nakabukas ang mga ilaw at nakaupo kami sa paborito naming bench malapit sa fountain area.



"Justice, don't get me wrong... wala ka bang pinsan na bakla, something like that?" Masama kaagad ang tingin niya sa akin.


"Ikaw! Ano nanaman 'yan , Lemuela. "


"Worried lang ako kay Lee..."


"Sus, noong mag-asawa ng maaga si Ice, galit na galit ka. Nagalit ka din ng maunahan pa ni Jude na mag-asawa ang kanyang kuya Lee tapos ngayon iniisip mo na bakla ang anak natin!" Nagpupuyos ito sa galit.


"Tone down your voice baka marinig ka ni Lee."


"Paborito mo talaga ang binata mong iyon. Hay naku, dyan ka na nga." Nagkatingin sila sa amin ng habulin ko si Justice paakyat ng hagdan at bagsakan niya ako ng pinto.


Lalo ko siyang inaway sa loob. Pero ibang klaseng away na iyon.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now