NIGHT TO REMEMBER

154 4 0
                                    

LEE'S POV



Alauna na natapos ang inuman ng mga babae. Inuna kong kunin si Jazzy at isinama sa kanilang kuwarto. Napadami yata ang inom niya kaya nagsuka siya bago makapasok ng kuwarto. nag-toothbrush naman muna siya at sinamahan ko pa siya sa banyo para hindi naman siya makatulog doon kung sakaling mapagkamalan niyang kuwarto na iyon.



Lasing ako.. Oo, lasing nga ako pero dahil lalaki ako alam ko pa rin ang ginagawa ko. Hindi ako naniniwala na wala silang maaalala sa kanilang pinaggagagawa dahil lang sa kalasingan. Hindi ko alam sa mga babae.



"Danica! Danica! " Ni hindi siya magkamalay sa sobrang kalasingan, paano na ang dream SEX niya. Hindi ko alam kung bubuhatin ko ba siya o aalalayan lang.


"Uy, buhatin mo na 'yan. Lasing na lasing na o. Hay naku, sa susunod nga huwag na silang payagang makipag-inuman. Naman eh..." Sabi ni Sullivan.


"Justine! Justine!"


"Abah! Dumating din ang magaling kong asawa..."


"OO, at bakit ka ba uminom pa?"


"Kashi naman hikkaw... Di kah nagpaalahm ng maaga... Nakakahhiya kaya kina Mamah at Pahpah! (Salitang lashing lang po,, not typo errors hehehe!)


"Anyway, I am here. Halika na. Matulog na tayo"


"Ha!Matutulog kaagad tayo..."


"Hindi po, eh di kung ano ang gusto mo, gawin natin..." Sabay bulong sa kanya ni Justine...


"Okay, ako ang bahala... dadalhin kita sa Cloud 9 kung iyon ang gusto mo. Tara na!" Pero pinangko pa rin ni Sullivan ang asawa.


"Xity, come honey... Let get inside now." Si Jude naman ang kumuha sa asawa.


"Bahala ka sa buhay mo. Dito na lang ako."



Lumakad mag-isa si Xity. Nagtatampo pa rin siya kay Jude. Pero hindi umalis ang lalaki sa tabi ng asawa at tuluyan niya itong pinangko at binuhat pababa. Malaki naman ang pangangatawan nito at kayang kaya niya ang babae.



"Wala ka namang kuwentang ka-sex."


"Ano ka ba? itikom mo nga ang bibig mo."


"Hayaan mo silang makinig kung may tenga sila...Tinutulugan mo kasi ako tuwing gusto ko... Kaya tutulugan din kita. Tama, tutulugan na lang kita para quits na tayo."


"Anong tutulog ang pinagsasabi mo? Ikaw matutulog..."


POLICE STORYWhere stories live. Discover now