CONFESSION

146 2 0
                                    

LEE'S POV



Yes, matapos ang gabing iyon nabulabog ako sa katok ni Mama. Kasama niya si Papa. Patay! Lagot na! Sus kop o angkalat sa buong kuwarto. Sabi ko kasi lilinisin ko iyon pagkatapos naming mag-ano pero matapos kong umano, nakatulog ako sa tabi ni Danica. Hindi ko na namalayan ang oras.



OH MY GASSSSSS! 10 am na... 



Hindi ko maalala kung naong oras ang check out namin. Tahimik si Danica. Hinagilap niya ang puting puting comforter ngunit madami itong stain. Napapikit na lang siya at napasimangot.



"That's natural. May masakit ba sa iyo?" Tahimik siyang umiling.


"Baka magalit si Tita Lemuela."


"Take your shower first and we'll talk to them "


"Leeam..." No one has ever dared to call me by that name, only Danica.


"I love you so much, Danica. Trust me. Everything will be alright. I am going to take the full responsibility of our actions."


"I am not scared. I know you will never leave. " Niyakap ko siya.



Hindi ko kaagad mapagbuksan si Mama. Total mess sa loob ng kuwarto. Nataranta ako sa kanya. Pagbukas ko ng pinto, baka suntok niya ang sumalubong sa akin. Pero wala si Mama. Nagtungo kaming pareho ni Danica sa dining area at kasalukuyang kumain pa lang ng almusal ang lahat. Late na daw talagang nagpahanda ng almusal si Mama kasi alam niya ang nangyaring inuman ng mga babae kagabi.



Hindi nanermon si Mama. Actually , ugali niya iyon pero pagkatapos ka niyang busugin sa hapag-kainan, humanda ka! Mababasag ang eardrum mo.



May grand entrance kami ni Danica habang nakayuko siyang naglalakad palapit kay Jazzy. Binigyan siya ng plato pero nilapitan ko siya at tinanong kung ano ang gusto niyang kainin. ako ang kumuha ng pagkain sa kanya. Alam kong pagod siya. Napapahagikhik sina Xity at Justine.



"Mukhang nakadali ka rin, Kuya ha!" Sabi ni Justine.


"Nakailang round ka ba, Bro" Tanong ni Jude.



Hay naku, talagang asar-talo talaga itong dalawa. Ganito talaga sila kahit noong mga teenagers kami. Wala silang tigil sa pang-aasar sa akin at dala-dala pa rin nila ito hanggang ngayon kahit may mga asawa na sila.



"Pssst! Kumain na lang kayo..." Iniabot ko kay Danica ang pagkain niya. "Okay ka lang dyan?" Tumango naman siya at umupo ako sa tabi nina Mama at Papa.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now