BTAG: JUDE

186 9 0
                                    

JUDE'S POV



Matapos kaming magkita ni VeneXity sa campsite, nagpursigi naman akong makita siyang muli. Nagkaroon ako ng pagkakataon ng makita ko ang nawawala niyang kuwintas . Alam kong sa kanya iyon dahil napansin ko ang ganoong klase ng kuwintas kay Leuwan. Hindi naman ako nagkamali kasi nawala nga niya kanyang couple necklace dala ng kanilang kabataan ng minsan silang gumawa ng misteryo sa likod ng puno ng mangga.



Alam kong may relasyon sila ng mga panahong iyon kaya hindi na muna ako umeksena. Isinama ko siya sa aking mga dasal . Hiniling ko sa Diyos ang babaeng tulad niya. Sa kabila ng agwat namin, alam kong walang imposible sa Diyos. Pagbibigyan niya ang aking kahilingan sa takdang panahon kung talagang ito ay para sa akin.



Muli kaming nakita ni VeneXity noong college na siya. Mag-isa siyang namamasyal. Mag-isa rin akong namamasyal ng araw na iyon. Pareho kaming nagkasalubong sa hilera ng mga sinehan. Pareho kami ng tiket ng palabas na panunoorin namin. Nagtama lang ang aming mga paningin at sabay kaming nanuod. Habang naghihintay kami ng palabas ay nagkuwentuhan kami. Abut-abot ang aking kaba... Para kaming nagdi-date na dalawa.



"Kumusta ka na?"


"Okay lang po ako, Sir."


"Mag-isa ka lang..."


"OO eh. Delikado ang walang kasama lalo na sa loob ng sinehan."


"Eh ano ka?"


"Ah okay, puwede na rin."



Pagkatapos noon ay tila nabahag ang buntot ko at hindi na ako muling nagpakita hanggang sa magkrus ang aming landas ng hindi inaasahan. Inaadya lang talaga ng pagkakataon. Nahuli ko si Xity for beating the red light at maaari siyang madisgrasya sa kanyang ginawa. Hindi niya napansin na hindi naman violation slip ang ibinigay ko. Date Note iyon... Sounds like death note ano... yes, I purposedly ask a date from her to claim her driver's liscense.



That's it. From that time on, hindi ko na siya tinantanan. Alam kong answered prayer siya sa akin ni Lord pero ng tuluyan ng mahulog ang loob ko sa kanya at dumating si Leuwan, hindi ko siya hinayaang mamili bagkus ay ipinaubaya ko siya kay Leuwan dahil alam kung noong una pa lang ay napipilitan na siyang makisama sa akin. She doesn't have a choice. That's what I think.



Pero nasaktan ko siya ng sobra-sobra dahil pinilit ko ng lumayo sa kanya. Ipinatabuyan ko siya para bigyan niya ng pagkakataon si Leuwan ngunit ang lahat ay nauwi sa isang malagim na trahedya na hindi naman gugustuhin ng kahit sinuman. Mabuti at hindi siya tuluyang nahulog sa bangin na may katumbas ng 4-storey building ang taas.



Pinagsisihan ko ang lahat. Muli kong ipinagdasal ang kanyang kaligtasan at dininig naman iyon ng Diyos. Naka-recover siya in due time. Tinapos niya ang theraphy sa Baguio hanggang sa ipadala kami sa Afghanistan dahil sa lindol na naganap doon. Hindi ko iyon binanggit sa kanya. Iyon ang pagkakataon ko para makatakas sa kanya. Graceful exit ika nga...

POLICE STORYWhere stories live. Discover now