BEHIND THE TRUTH

157 7 0
                                    

LEE'S POV



Pinuntahan ko si Jazzy sa loob ng kanyang kuwarto g umagang iyon. Ilang araw na niya akong hindi binabati. Sobra na ang tatlong araw... Ayokong hindi kami nagbabatian. Ako naman ang may kasalanan kaya ako ang todo-effort na humingi ng sorry.



"Mommy...." Tawag ko kay Mommy habang pababa ako ng hagdan. Nagmamadali akong bumaba. Humalik ako sa pisngi niya. "Saan po nagpunta si Jazzy?"


"Hmm, nag-jogging kasama ni Dan? Bakit?"


"I missed her... May nabanggit po ba siya about the teddy bear..." Nagkibit – balikat si Mommy.


"Hindi naman makakatiis iyon eh..." Sabi ni Mommy. Sabagay totoo naman iyon.



Nagkape na lang ako habang nagbabasa ng morning newspaper.



Talagang tsinambahan ko siya at nakita ko siyang nakatalikod. Nakaharap siya sa pool at mukhang balak ng tumalon. Niyakap ko siya sa leeg...



"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Hindi mo pa ba ako papansinin? " Sabay halik sa pisngi niya. Ngunit hindi siya sumagot. Hinila niya ang kuwelyo ko at ibinalibag ako sa damuhan. Kesehodang naka-two-piece siya. Pinilipit pa niya ang braso ko. Hindi ako umaray pero pumalag ako. Nakapatong siya sa aking likuran.


"Jazzy, wait!" Pagharap ko, hindi pala si Jazzy iyon. Parehong mahaba ang buhok nila at halos pareho ng tangkad, ng katawan at ng mismong two piece na iyon dahil ako ang nagbigay sa kanya noon. Tinawag pa niya akong maniac.



Bad trip.... Siya din 'yong mayabang na babaeng naghagis sa akin ng kanyang susi at igarahe ko daw ang kanyang Mustang . Napagkamalan niya akong guwardiya. Tapos ngayon, maniac naman.



Ipaalala ko kaya sa kanya na pinasok niya ako sa kuwarto ko. Kasuhan ko kaya siya ng sexual harassment sa ginawa niya. Minolestiya niya ang pagkalalaki ko. AAAAAHHHHHH! hanggang kailan ako matu-trauma ng ganito.



Nagkaharap-harap kami sa hapag-kainan ng kumain kami ng tanghalian. Pareho naming paborito ang kare-kare at alam niya ang bahagi ng pata na maraming laman. Kumain siya ng di nagdarasal at pati hell binabanggit siya sa hapag-kainan.



Anong klaseng babae ito? Grabeh! Ang lakas niyang kumain...



"May lakad ka ba, Lee?" Tanong ni Mommy.


"LEE! Ikaw si Lee..."


"OO, bakit?"

POLICE STORYWhere stories live. Discover now