BAD MORNING 2

144 6 0
                                    

DANICA'S POV



Maaga pa lang ay nasira na ang araw ko ng bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Lee. Of all people talaga, siya pa ang professor na kapalit ni Prof. Espiritu. Police Investigation and Procedures na kami. Tapos, panalo kaming dalawa ni Jazzy sa push-ups sa harap ng mga kaklase namin. Nadaanan pa kami ni Dean. Gusto kong himatayin sa sobrang hiya.



Sineryoso ko ang pag-aaral sa aming RAPE CASE investigation. Pinanuod namin ang re-enactment na isinagawa ng isang istasyon sa kasong iyon. Naku, hindi ko kayang tapusin ang mga eksena. Nakakadurog ng puso. Sa kahuli-hulihan ay napatay ang biktima. Isang karumal-dumal na pagpatay ang nangyari.



Pinaghandaan ng grupo namin ang aming report. Masyado akong naging emosyonal at naidamay ko pa si Jazzy. Hindi ko siya naisabay kanina pero busy lang talaga ako sa library. Nag-brainstorming kami ng mga kagrupo ko. Eh syiempre, hindi ko naman pababayaang mapahiya ulit ako eh ako pa naman ang naghamon sa kuya at sinabi kong hidni niya alam ang kanyang itinuturo. Natural, paghahandaan din niya ako.



Masyado akong nagiging sutil ngayon ah.



Hindi ko na siya kinausap pagkatapos namin ng klase sa umaga. Iniwan niya ang kanyang kuya sa kantin para lang samahan ako sa ibang upuan pero in the end iniwan ko siya. Hindi ko alam kung paano siya nakauwi dahil hindi ko siya naisabay. Malamang nagsi-self-pity na naman si Jazzy. Wala naman siyang kasalanan doon eh...



Dumaan ako sa St. Gabriel the Archangel Church pagkatapos ng klase. Tama ang hinuha ko. Mas maganda doon kapag konti lang ang nagsisimba. Maa-appreciate mo ang buong simbahan at ang kaloob-looban nito. Nag-antanda ako ng krus bilang paggalang dahil nasa loob na ako ng simbahan.



Naupo ako saglit. Bumuntunghininga atsaka lumuhod ako. nasa unahang upuan pa naman ako pero hindi na ako nahiya kung sinuman ang makakitang umiiyak ako.



Matagal ko na talagang itinatago ang sama ng loob na iyon. Bilang na rin ang mga buwan para magpakasiya ako sa aking pagiging dalaga. Nakatakda na sa susunod na taon ang kasal namin ni Kai. Takot na takot ako sa posibleng mangyari. Hindi ko alam kung paano ako makakaiwas. Hindi ko alam kung paano ko siya matatakasan.



"Hindi mo ako puwedeng takasan, Danica. AKIN KA LANG! " Paulit-ulit kong naririnig ang mala-demonyong halakhak ni Kai matapos niyang ibulong iyon sa akin.



Ipinagkasundo ako nina Mama at Papa sa isang maimpluwensiyang lalaki ngunit adik na katulad ni Kai. Magiging maganda daw ang buhay ko sa kanya dahil mayaman ang kanilang pamilya. Kilala sa lipunan, maimpluwensiya at maraming koneksyon sa gobyerno. Hindi malabong makuha ko lahat ang gusto ko.



Pero hindi ganoon kakitid ang utak ko. Para ko lang isinangla ang aking kaluluwa sa isang demonyo. Mas mainam pang mabura na ako sa mundo kahit hindi ko makamit ang kaginhawaan kaysa naman buhay sa piling nag taong hindi ko mahal. Higit pa iyon sa pisikal na pagpapatiwakal.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now