Chapter 53

8K 121 70
                                    


**

Chapter 53


Napaatras ako bigla sa ginawa niya na siyang kina-out of balance ko. Kasi naman eh, iba yung naaalala ko sa eksenang ganito. Iba 'yung dating sa akin. Si Kaien ang naaalala ko. Kung magsusungit man ako ngayon siguradong uulit ako sa simula.

"Ayos ka lang ba?"

Tumango lang ako, "Salamat."

"Ah, buti naman. Mag-ingat ka na sa susunod. Hagdan ang kalaban mo, malamang wala kang laban." Napatingin lang ako sa kanya. "Okay. Una na ako, salamat ulit."

Nagsimula na akong maglakad paalis sa kinatatayuan niya. Ang weird ng feeling ko. Pumunta ako sa konbini na malapit sa apartment na tinitirahan ko dahil wala na din akong stock ng makakain. Urgh. I hate the idea of living alone but at the same time, I love it. Free from everything. Walang kaibigang maingay, walang magulang na tawag ng tawag at walang Kaien... na mahal na mahal ko. Never mind Arika! Sabi mo magsisimula ka ulit pero paano kung sa twing may makikita kang lalaki puro Kaien ang naiisip mo. Shut it! Trust no one.

Habang naglalakad ay napadaan ako sa bakery. Oh myyyy! I am craving for melon bread and curry bread and my goodness. I can eat it now! Ang dami nilang pan dito. May milk bread at black bean bread din. Para akong ignorante sa mga bread. Paano minsan lang naman ako magbakasyon dito noon, ngayon naman eh, residente na ako.

Matapos akong makabili ay bumalik na ako sa unit ko. Good thing wala na si Kana ng pagdating ko. Inilapag ko sa mesa ang nabili kong tinapay. Ngayon naman, anong ibibigay ko para sa pagwelcome sa kapitbahay ko?

Dimple check.

Gwapo check.

Matangkad check.

Playful personality check.

Hm.

Puso?

Erase! Bakit ba 'yun ang mga iniisip ko! Kailangan kong gumawa ng pagkaing mafefeel niya na welcome siya. In short kailangan ko ng google para matulungan ako kahit na hindi pa ako gaanong marunong sa mga Japanese foods.

Onigiri? Err. Bento? Salad? Ano ba dapat? Ay ewan. Hirap mag-isip pag walang isip!

Kinuha ko 'yung plastic na binili ko kanina at pumunta sa tapat ng pinto. Ow, Sakaguchi pala siya. Nagdoorbell ako at agad namang nagresponse it.

"Uhm, anou- D-Delos Reyes desu." Utal kong sabi.

"Matte nee," at agad namang nagbukas ang pinto niya. "Yo!"

"OH MY GHAD!" What the hell! Ano bang nakain ng isang ito? Nakatapis lang at ngiting-ngiting bumungad sa akin. "Ito regalo! Welcome!" sabi ko sabay abot sa kanya ng plastic ng tinapay habang nakatingin sa ibang direksyon. Oo, tinapay na binili ko kanina, bahala din siya kung hindi niya ako maintindihan! Pervert na lalaki!

"Easy, mukha kang palaka eh."

Napatingin ako sa kanya at umiwas din ulit. "Nakakaintindi ka ng tagalog?" What the hell naman, oo! Hirap makipag-usap!

"Ah, oo bakit? Nagtagalog naman ako kanina?"

"Kanina?"

"Nung muntik ka ng magdive."

"Leche!" Nagtagalog pala siya nun? Hindi ko naman napansin. "Hm, pwedeng magbihis ka muna? Super disturbing kasi iyang buto-buto mong katawan." Seryoso kong sabi.

"FYI! Anong buto-buto ka diyan. ABS YAN! ABS. Kahit hawakan mo pa." Hahawakan niya sana kamay ko pero inilagay ko kaagad sa likod ko. Lokong 'to!

"Magbihis ka muna saka ko hahawakan!" Reklamo ko na talaga.

"Okay, okay. Easy. Tuloy ka muna." Sabi niya at pumasok din naman ako. Hindi na din naman big deal sa akin yung ganito. Well, neighbor.

Nagbihis naman na siya at in fairness, ganda ng unit niya. Ganda ng arrangement ng mga gamit super linis! Hindi katulad ng unit ko nadinaig pa ang dinaanan ng ilang bagyo sa sobrang gulo.

"Anyway, I'm Zen Sakaguchi. Hapon pero laking Pilipinas. Auntie ko may-ari nitong apartment."

"Arika, Arika delos Reyes. Hehe." Ngumiti siya. What, nakakaloko ang isang 'to.

"Pwede mo na bang hawakan abs ko?" Sabi nito at unti-unting tinataas ang damit.

"Pervert!" sigaw ko.

Tumawa naman siya ng malakas. "Biro lang. Gusto mo ba?" alok niya sa akin ng tinapay na ibinigay ko.

"Hindi na, para sayo talaga 'yan."

"Sweet mo naman, Arika." Aaktong yayakap sa akin.

"HEP HEP HEP! Layo mga five centimeters. Allergic ako sa panget."

"Lah, baka panget ako? Gwapo ko nga eh."

"Whatever. Siya alis na ako, maggagabi na din." Ngiti ko.

"Salamat sa pan." Sabay taas niya nito.

Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Infairness, cute si Zen.

Kinaumagahan, napagpasyahan kong magjogging para naman kahit papaano ay maging fit ako. Ewan ko ba, puro lang naman ako tinapay at cup noodles minsan lang magrice dahil hindi ko pa din gamay ang buhay dito pero nag-aaral naman ako kung paano magluto. At isa pa, kailangan ko ng tutor sa school na pinapasukan ko! Yung feeling na ang tataas ng marks ko sa school ko noon pero ngayon kulang na lang eh 'wag na ako mag-aral. Sa English lang ako pasado.

Mamayang eight o'clock pa naman din ang pasok ko kaya tama lang na maglibot ako ng ganitong oras. Papasikat pa lang ang araw pero ako mulat na mulat na. Nadaanan ko ang Japanese Learning Center nila Kana pero hindi na ako nag-abala pang istobohin yung babaeng 'yung dahil malamang sa malamang, humihilik pa 'yun.

Matapos kong malibot ang buong place ay bumalik na din ako agad. Nag-ayos ng sarili dahil papasok na. Morning classes be like... gusto ko pang maglibot. Sakto namang paglabas ko ay nasa labas din si Zen.

"Uy, same uniform ha?" Napatingin naman ako sa sarili ko. Oo nga?

"Doon ka din? Bakit?"

"Malapit eh," ngiti niya.

"Layo kaya." Kontra ko.

"Eh bat andun ka kung malayo?"

"Walang basagan ng trip."

"Okay sabi mo eh. Sabay na tayo?"

"May magagawa pa ba ako?"

At iyon na nga ang ending... sabay kami. Kung anu-anong kwinekwento. Super talkative si Zen kulang na lang bigyan mo ng papel at isulat buong kwento ng buhay niya. Maboboring ka na lang dahil hindi talaga siya mauubusan ng kwento. Kanina nga gusto ko na siyang ihulog sa tulay ng tumahimik naman ang paligid ko.

"Hoy, Arika? Nakikinig ka pa ba?" Napapalo na lang ako sa noo ko.

"Maghiwalay na tayo..."

"HAH?"

"Wala, wala. Nevermind me." Ngiti ko. Kung anu-ano na lang sinasabi ko.

"Weird mo. Dito na room ko! Doon ka na nga, shoo!" Nagwave ako sa kanya.

Ako pa talaga ang pinaalis niya. Ibang klaseng lalaki 'yun.

//

PS: lame update. ez lang sa update. magprapraktis titsing na ako kaya super busy. sorry na!

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon