Chapter 27

6.9K 121 5
                                    

**

Chapter 27

"Na-na-narinig m-mo?" Tanong kong halos di na marinig sa sobrang hiya. Sana kainin na ako ng lupa! Narinig niya. Baka hindi. Pero narinig talaga! Baka hin--

"May gusto ka pala sa akin?" Mapanuya niyang sabi habang nakatingin pa din sa libro.

WAAAAHHHH! Narinig niya nga kasi! Lupa kainin mo na ako, ngayon na please, now na. Handang-handa na ako. Okay calm down, Arika. Kunwari wala kang narinig sa sinabi niya.

"Aba kapal naman ng mukha m-mukha mo!" Sabi ko habang nakataas ang mukha na tila naghahamon ng away.

"Nahiya ka pa, narinig naman na. Tss." Hamon pa lalo nito sa akin.

Umaatras ako ng maliliit at kinakampay-kampay ko yung kamay ko. Sway like nothing happen.

"Alis na ako ha? See you sa bahay." Sabi ko habang kinakampay-kampay pa din ang mga kamay at nagmamadaling lumabas.

"Whew!" Sabi ko ng makalabas na ako sa rooftop. Kaloka. Feeling ko torture ang nangyayari sa akin. He knew that I'm already fallen with him kahit na wala pa siyang ginagawa sa akin. Ang laki ng impact niya. Arika asan na ang hate mo sa mga lalaki kung yung taong lang din na yan ang nagpataob sa'yo. Wala ka pala eh puro ka salita dyan.

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan, ni hindi ko nga alam kung saan ako pupunta. Iditch ko na kaya yung isang class ko. Last subject ko naman na siya ngayon eh. WHAT TO DO?!

"Hoy bessy!"

"Ay kabayo ka!" Napalingon ako kay Louise. "Hi B-bes." Sabi ko ng nakangiti.

"Anong problema mo at parang nakakita ka ng multo?"

"Wala naman. He-he-he." Sabi ko ng umaatras. 

"May mali bes e. Umamin ka nga!" Sabi niya at dahan-dahang lumalapit sa akin.

"Anong mali ka dyan. Baliw ka na naman. Bakit ka ba andito?"

"Wala naman. May dinaanan ako sa faculty eh." May naisip ako. Bakit kaya ang galing ng takbo ng utak ko ngayon kahit tinotorture na ako.

Hinatak ko siya papunta sa playgroud dito sa university. Nang makarating kami ay pareho kaming hinihingal dahil lakad-takbo ang ginawa naming dalawa.

"A-ano b-bang pro-problema mo bes?" hingal na hingal niyang tanong. Huminga muna ako ng malalim saka ko siya sinagot.

This is it. Ipapaalam ko muna sa bestfriend ko bago kung kanino.

"MaygustonaakokayBakulaw." Dire-diretso kong sabi. Sana naman maintindihan mo.

Halos bumagsak ang itsura niya sa sinabi ko. "Huh? Come again?" sabi ko nga at hindi mo naintindihan eh.

"Intindihin mo please." sumamo ko. Ayoko ng ulitin. Nahihiya na ako sa sinabi ko, feeling hindi na ako ito. Ganito pala yung feeling pagsinasabi mong inlove ka sa ibang tao.

"Ako ba niloloko mo bes? Paano ko maiintindihan eh sobrang bilis kaya? Miski ata genius hindi maiintindahan yang sinabi mong kasingtulin ng motor kung magpatakbo." Litanya niya. Gumagamit na naman siya ng logic. Sabi ko nga babagalan ko na.

"Ang...saaaabbbbeeehhhhh" pauna kong sabi sa kanya na may sobrang bagal na pagkasabi. "kooooo ayyyyy."

"Sht. Kelan ka pa natatapos niyan? Dalian mo at baka hinahanap na ako ng prof ko."

"Sabi mo bagalan ko kasi mabilis! Ang gulo mo ding babae ka eh!"

"Ano na nga kasi! MALELATE NA AKO!" sigaw niya sa inis.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now