Chapter 23

7.8K 113 11
                                    

**

Chapter 23

Dumaan ang New Year na walang magandang naidudulot sa akin ang lalaking nakakasama ko sa bahay. Minu-minuto akong pinepeste. Hindi ata makumpleto ang araw niya kapag hindi ako nabwibwisit.

Ultimo T-shirt niya sa akin hahanapin. Kamusta naman yun, mukha ba akong tambakan ng gamit niyang damit? Kagaya kaninang umaga wagas kung wagas makasisi na tinago ko daw yung T-shirt niya. As if may pagnanasa ako sa kanya no. Feeling niya masyado.

Resume na ng class namin, akalain mong parang nagbakasyon ako dahil sobrang tagal ng mga nangyari. Feeling ko nga tumalon yung oras into a new time and place ulit.

Andito ako ngayon sa cafeteria dahil walang prof na pumasok may meeting daw sila. Nagcrecrave ako lagi pag nandito paano ba naman puro pagkain makikita mo. Sana pala sa library na lang ako tumambay atleast dun hindi puro pagkain at hindi ka mapapagastos kaso kung sa library naman ako tatambay eh puro libro. Baka masuffocate ako sa sobrang boring at iisang amoy ng hangin lang ang maaamoy ko, hindi ko naman din hilig ang pagbabasa unless na lang kung sobrang kailangan like research at mga thesis.

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa mesa. Feeling ko mababaliw ako kakapigil sa hindi bumili at bawasan ang allowance ko. Ano ba bibili o hindi bibili? Walang pakundangan akong tumayo at lumabas para kumuha ng bulaklak. Hindi naman siguro mawawala yung gamit ko dun.  May tiwala naman ako sa mga tao dito, hindi lang halata. Nagsimula akong pitasin isa isa ang mga parte nito. "Bibili, hindi bibili, bibili" nang matapos ako ay agad-agad din akong bumalik sa gamit ko at kinuha ang wallet ko.

Tumakbo ako papunta sa stall na kung saan ay puro snacks ang binibenta. Tinuro ko lahat ng matipuhan ko. Nomnom! This would be a great and delicious day. Nakatray yung mga binili at hirap na hirap akong bitbitin. Halos maharangan na ang daan ko dahil sa binili ko. Hindi ko namamalayan, nalaglag na lang ang mga pinamili ko. Oh no! Dali-dali ko itong kinuha dahil naman eh! Sayang.

"Hello bessy!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Louise lang pala. Siya lang naman ang tumatawag sa akin na bessy except for Jairus. Speaking of the devil, kamusta na kaya yun? Wala na akong naririnig tungkol sa kanya. "Oy bessy?

"Why you here bes?" Sagot ko.

"Nothing, wala kami class eh."

"Really? Then its good to hear that at may makakasama ako. Wala din ako prof. lahat may meeting." That's true. Di ko nga alam kung ano ang pinasok ko dito. Kakaresume pa lang wala agad. What a life~

"Really? I miss you! Nung Christmas at New Year di tayo nagkita busy na busy ka sa fiancée mo porket gwapo. Oh well, anyway, yung food mo wala ka ng balak damputin lagpas na ang 3 minutes, so tara na?"

"Ay oo nga pala! Bwisit ka naman kasi e. Nang---" Hindi ko na natapos pa yung sasabihin ko dahil itinayo niya na ako at hinila papunta sa mga gamit ko.

"Napagod ako." Sabi niya sabay bagsak ng mukha niya sa mesa.

"Napagod saan?"

"P.E. duh~"

"Ah okay." Kinain ko na lang yung natirang pagkain na malinis pa. Binalot kami ng katahimikan. Tulog na agad si Louise, ibang klaseng babae 'to. Nakishare ng table para matulog.

"Pwedeng makishare?" What the hell! Kilala ko ang boses na yun! Kilala ko! Dahan-dahan kong hinilig ang ulo ko. TAMA NGA! Si Alexus!

"S-sure Alexus." Heto na naman yung puso ko! Ano ba 'to. Kala ko wala na 'to. Aigooo! Aigooo! Kakaspazz ko ito napapala ko. Nakwento ko na bang this past few days e nag-eenjoy ako kakaspazz sa favorite kong girl group sa Korea. Nakakatuwa!~

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon