Chapter 52

3.3K 64 7
                                    

**

Chapter 52


I am depressed with everything. I don't even know kung paano ako nakasurvive sa isang araw na hindi ko siya nakita. But to my surprise nakaya ko pa ding magstay sa bahay naming dalawa kahit na hindi na siya dito umuuwi. How pathetic I am, I pushed him away and yet, I'm expecting him to comeback. Idiot, Arika. You are such an idiot.


I even try to persuade him at pinuntahan ko pa siya sa mismong bahay nila but again, I failed to talk to him. He left me hanging and devastated. Sabi ni Tita hindi daw siya umuwi dun. So all along, his parents didn't know na hiwalay na kami. Damn it! Arika, it is all your fault.


Pinamove ko kay Mommy ang flight ko to Japan dahil I am hoping that I can fixed the mess that I did but I think I can't, anymore dahil walang nakakaalam kung nasaan siya nagsstay ngayon. Kaien, why are you doing this to me? Please come back to me. It's been a two months since you left me. I miss you so much.


The moment we broke up parang gumuho na din ang kalahati sa pagkatao ko. Minsan na lang ako lumabas ng kwarto dahil natatakot na ako. Para akong tangang umiiyak na nag-aabang na baka one day he will contact me. But nah.

A half a year passed. I decided to go somewhere; it is hard for me to say good bye to the place where I lived for a year but I guess I need to prioritize myself. To my depression my mom finally sent me to Japan. Masama ang loob niya sa akin. I change a lot. I even don't know who I am anymore.

I didn't bother to have contacts with my friends even with Louise. I shut down all my connections to them especially my social media account. I am doing this for the sake of heart.


Sa isang apartment ako tumitira and syempre until now may suporta pa din ng mga magulang ko pero magwoworking student ako. Buti na lang at summer ako lumipad papunta dito at inaadjust ko pa ang sarili ko. Nahohomesick ako at puro cup noodles lang ang madalas kong kainin. I feel so hopeless, para akong nakikipaglaban sa gyera na walang sandata. Gusto kong isigaw na suko na ako, na hindi ko kaya.

I enrolled myself sa isang Japanese class dahil baliko pa ang pagsasalita ko ng Nihonggo.

"Hello, I'm Kana Yuihara. I'm a half-half. You are?" tiningnan ko siya. Hm, isang typical na babae pero maganda ang mga mata at matangos ang ilong. May pagkamorena din siya at litaw na litaw ang pagkahaponesa niya.

"I'm Arika. Arika delos Reyes." Ngumiti ako.

"Can we be friends? I'm new here."

"Ako din eh. Ilang months pa lang ako dito, medyo naninibago pa din ako."

"Yay! Me too, pero hindi sa pagmamayabang pero daddy ko ang may-ari ng Learning Center na ito."

"How come na hindi ka fluent sa Nihonggo?" manghang tanong ko.

"Laking Pilipinas din kasi ako. Ngayon lang ako pinapunta ni Daddy. Dito kasi ako mag-aaral ng kolehiyo kasi mas maganda ang opportunity kumpara sa Pinas. Alam mo na mas advance kasi dito eh." Ngiti niya. "Eh ikaw ba?"

"Ako? Painful past. Hehe. Very cliché reason."

"Ay ganun? Parang yung nababasa ko lang sa mga libro at sa napapanood ko sa mga drama." May kinuha siya sa bag niya at inilabas ang libro na may mga drawings. What?

"Manga ba yan?"

"Yup! I usually read manga and watch anime since I came here." Namiss ko bigla si Louise. She reminds me of Louise so much. "Ikaw mahilig ka ba sa anime?"

"Not really but my bestfriend loves to watch anime."

Humarap siya sa akin, "Alam mo, halata sayong namimiss mo ang kaibigan mo pero halata din sayong ayaw mong bumalik." Tinitingnan ko lang siya. "Pero kung ako sayo babalik ako. Susundin ko ang puso ko kasi ito yung magpapasaya sa akin."

Nagbago bigla ang timpla ko. How come na nasasabi niya iyan, eh hindi naman niya alam ang tungkol sa akin. How come na ganyan siya mag-isip.

"Shut up!" Sabi ko at inayos ang gamit ko. "Alis na ako."

"Hala. Naoffend ba kita?"

"Not really, you don't know a thing about me. So don't advice anything."

Pinasok niya ang mga gamit niya at sinundan ako. "I just want to be your friend. Sorry for what I've said."

Huminto ako sa paglalakad. "Stop following me. Uuwi na ako."

"Why? Ang tigas mo. Bakit?"

"Stop it. Kakakilala lang natin. Wag kang feeling close." Napansin kong naging malungkot siya sa sinabi ko at humikbi. What the hell? This girl is such a crybaby.

"Ang sungit mo pero nung kinausap kita hindi ka naman ganyan."

"Enough will you? Wag ka ng umiyak diyan hindi bagay sayo." Iniabot ko sa kanya ang panyo ko. I hate being a weak one. I hate to remind myself to her.

Tumambay muna kami sa isang tulay na hinintuan namin. Tinitingnan ko lang ang agos ng ilog habang bumabagsak ang iilang mga dahon dito.

"I hate being weak. I promise to myself na aayusin ko ang sarili ko. My love of my life broke up with me dahil sa pagiging childish ko. Hindi ko na maiahon yung sarili ko sa twing naaalala ko ang mga nangyari. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Gusto kong magsorry sa kanya ng paulit-ulit. Gusto kong umiyak ng paulit-ulit dahil sa katangahan ko." Tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ko. "Naiinis ako sa sarili ko. Nagagalit sa katangahan ko. Kaya ako itong si Duwag, pumayag sa kagustuhan ng mommy ko na ipadala dito sa Japan para makalimot ang magsimula ulit ng mag-isa. Pero sobrang hirap, eh. Malungkot."

Pinunasan niya ang luha ko, "You don't need to be sad, Arika. Ayos lang naman ang maging malungkot pero kung ikaw mismo sa sarili mo ang mag-aalis ng karapatan mong maging masaya, eh paano na 'yung mga taong nag-aalala sa iyo? Give yourself a second chance. Hindi naman minamadali ang pagmomove-on. Nakasurvived ka naman ng wala siya habang nasa Pilipinas ka di ba? Paano pa kaya dito. Kayang-kaya mo iyan. I know you will dahil the moment I laid my eyes on you. Alam kong kailangan mo ng tulong." She smiles genuinely.

Kinuha ko ang kamay niya at niyakap siya. "Thank you, Kana. Thank you for being there for me kahit kakakilala lang natin."

She just smile.

Natapos ang summer at madalang na kaming nagkikita ni Kana dahil magkaiba kami ng university na pinapasukan. Although pumupunta siya sa apartment ko para makinood o makitulog.

"Alam ko may bagong lipat sa katabing unit diyan sa apartment ah?"

"Bakit ikaw alam mo tas ako hindi?" Sabi ko sa kanya. Mas updated pa kasi siya kaysa sa akin.

"Nyenye! Syempre nakausap ko yung landlord kanina eh." Nag-evil laugh pa siya. "Paglalaki sayo, Ari. Syempre, gwapo yan for sure."

"Lah, andito ako para mag-aral hindi para lumandi." Sagot ko.

"Fyi, kasama na din ang pagboboyfriend nung tumapak ka sa Japan. Hashtag Japan Goals!" Ngiting-ngiting sabi niya.

"Ewan ko sayo. Lalabas muna ako."

"Ayeaye captaiinnnn!"

Sinuot ko ang boots ko at iniaayos ang sweater. Ang lamig kasi ng ihip ng hangin kulang na lang magkaroon na ng snow.

Tumakbo ako pababa ng hagdan ng...

"Miss ingat!" sabi niya sabay hawak sa bewang ko.

WHAT?!

//

ps: kalerks dayo tayo sa jp \o^o/

Playful HeartsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang