Chapter 26

7.2K 109 14
                                    

**

Chapter 26

Finals this week. Kinakabahan ako sa mga nangyayari at mangyayari, hindi ako masyadong makapagconcentrate sa pagrereview ko dahil naguguluhan ako, matapos kasi yung insidenteng iyon ay napapadalas na ang pagkikita namin ni Hiro feeling ko sineseryoso niya yung pagiging guardian angel ko.

Natapos na kanina ang first set ng exam, 3hrs bawat subject ko ngayon at kanina pa ako nahihilo sa mga numbers, bakit kasi hindi ako matalino sa math gaya ng iba dyan? Sana maipasa ko lahat ng math subjects ko.

Ang bilis ng takbo ng araw. Waaaah! Ilang weeks na lang summer na. Ramdam na ramdam ko na ang init, well mainit naman na talaga simula nung tumungtong yung March! Bakit kasi tropical country ang Pilipinas hindi kagaya ng ibang bansa na nagyeyelo sa lamig. BAKIIIIIIIIIIT?!

"Sa telepono, may tumatawag.

Ang telepono, sagutin natin!

Sa telepono, may tumatawag!

May humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,

may humihingi ng tulong kung saan."

Napatingin ako sa cellphone kong kanina pa hindi mawalan ng caller, pero iisang tao lang ang tumatawag, si Flandre. Damn this boy! Kanina pa siya tawag ng tawag pero hinahayaan ko lang na tumugtog ang nakaset na ringtone sa kanya. This past few days naLSS ako sa kantang yan at si Flandre lang ang nasa utak ko nung pinapakinggan ko yan kaya ang kinalabasan sinet ko sa kanya dahil bagay naman.

""Wooaah."

Pakinggan niyo!

Isang palaka, matanda na siyaaaa!

Ilang taon na siya? Basta lolo na siya... yun ang alam ko.

Gusto niyang samahan ang mga apo sa paglangoy sa tubig,

at yun din ang gusto ng mga apo niya makasama siya sa paglangoy." 

Sht. Kelan niya ba ieend to?

"Pwede naming makita? syempre naman!

Ang maliliit na buteteng yan ang mga apo ng matandang palaka.

Hindi makalapit sa kanila ang lolo nila.

Mukang nahihirapan siyang gumalaw!"

 Sa sobrang inis ko ay pinatay ko na lang ang phone ko.

Flandre is my cousin, but when you are very close with him he will annoy you hanggang sa manggigil kang palayasin siya sa harap mo. Hindi ko makalimutan noong grade school kami. He pushed me in the swing at walang humpay niyang tinulak tulak. Nung una natutuwa pa ako dahil normal lang na mag-enjoy ka sa ganung laro pero noong sabi kong itigil niya na dahil nahihilo na ako ay hindi niya pa din tinigil hanggang sa malaglag ako at masubsob. Halos isang buwan ko siyang di pinansin nun and now mangungulit lang siya kaya siya tumatawag!

Ang lamig ng simoy ng hangin dito sa roof top. Kulang na lang ata eh, kumanta ako dito. Kaso hindi ko naman talent yun but I can sing hindi nga lang kagandahan.

Tinatanaw ko yung mga estudyante sa baba. Ant liked. Parang ang sarap sigurong ilabas ang feeling mo dito no? Nakakagaan ng loob lalo na kung isisigaw mo.

"Sht. You're here!" I heard a familiar voice at my back.

I quickly glare at him, "What?"

"Why you're not answering your phone?"

"Dead batt and I'm busy." I lied.

"Busy with what?" Matalim din ang tingin niya. "Nagpapahangin ka lang naman" dugtong pa niya at biglang gumanda yung mood niya.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now