Chapter 22

7.9K 126 27
                                    

**

Chapter 22

"Let's go." Pagyayaya niya sa pamangkin niya.

Kinuha na ni Alexus si Angelo dahil papainumin pa niya ito ng vitamins. May sakit pala siya sa puso. Nakakalungkot ang bata pa nya nararanasan niya na yung ganung bagay. Nandito lang ako sa garden nila Alexus nagmumuni-muni. Ganito pala dito medyo awkward kasi manliliit ka sa mga kamag-anak nila. Don't get me wrong ha? Mayaman din naman kami kaso hindi ganito kayaman.

"Hoy! Nandyan ka lang pala." Nilingon ko yung pinanggalingan ng boses. Tiningnan ko lang siya mula paa pataas. Ang gwapo ng lalaking 'to. Wala na atang maipipintas bukod sa masamang ugaling meron siya.

"Wag mo akong masyadong titigan. Alam kong gwapo ako." Binabawi ko na. Ubod talaga siya ng yabang!

"Buti hindi ka tinangay ng hangin no? Ako kasi tangay na tangay na eh, pero buti na lang nakakapit ako." Sagot ko. Ang hangin! Psh!

Hindi talaga ako makapaniwala na may nagkakagusto sa lalaking ito. Ugali pa lang matuturn-off ka na eh. Ugaling kinaiinisan ng lahat ng kababaihan, somehow kakahumalingan din. Nacucurious tuloy ako kung paano siya magmahal at naging ganun kadesperada si Leigh sa kanya.

"Bakit kayo naghiwalay? A-ah, I mean yung kanina?" Out of the blue kong tanong. Bakit ba nacucurious ako. Parang ang dali lang sa kanyang makipaghiwalay. Pero kung ako siya hihiwalayan ko din yun, parang obsess girlfriend lang. Ang creepy masyado.

"Kailangan ko bang sagutin yan?"

"Siguro?" Alanganin kong sagot.

"Wala trip ko lang." HUH?! Trip niya lang? So madali lang din sa kanya na icancel 'tong marriage na 'to?! TAPOS!!! Urgggghh!! Sana maisipan niyang icancel ng matuwa ako sa kanya!!!

"Matritripan mo kayang icancel 'tong marriage natin?" Tanong ko bigla.

"Asa ka pa. Tss."

"Bakit naman? Mahal mo na ba ako?" Hamon ko sa kanya.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. "Bakit pag sinabi kong oo may magagawa ka ba?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ano ka ba Arika! Bakit ganun bigla ang tanong mo. Hindi agad siya sumagot. Kaya dinugtungan ko kaagad yung sinabi ko. "Wag muna sagutin!" Humakbang ako  paatras at saka ko kinampay-kampay ang mga kamay ko. Napatakip naman agad ako sa mukha. Nakakahiya!!!

Lumapit na naman ito ng bahagya sa akin. Yung mukha niya ay mas lalong inilapit niya sa mukha ko, bale ilang inches na lang ang pagitan. Ano ba 'to!! "Tss! Kung icacancel ko mawawalan ako ng sisigawan, nang bwibwisitin, nang aasarin, ng--" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay hinampas ko na siya.

"STOP!!! Leche ka! Nakakasira ka talaga ng araw!" Saka ko siya iniwang nakatayo dun. Bwisit na lalaking yun! Kaya gustong magpakasal dahil lang sa mababaw na rason! Para lang sirain ang araw ko. Nakakabwisit talaga.

Tumakbo ako sa kanya palayo kaya napadpad ako sa isang malamaze na garden din, may upuan doon na kung saan parang secret place ng lovers. May ilan-ilang kumakausap sa akin nung dumaan ako pero para bang ilag na ilag ang halos lahat. Bakit ganun?

Umupo ako sa upuan na napapaligiran ng bulaklak at dahon. Feeling ko nasa ibang dimension ako. Yung tanawin mula dito hanggang dulo ay maganda. Malaki ang nasasakupan ng lupa nila. Madaming iba't-ibang bulaklak sa lugar na ito. Siguro si Tita ay mahilig sa mga bulaklak.

Napagpasyahan kong libutin ang village nila. Napapadpad ako sa may swing na kung saan ay may dalawang batang nag-aaway. Para silang aso't pusa. It reminds me of Kaien. Ganito kami twing nasa bahay. Ganito yung lahing eksena.

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon