Chapter 2

16.4K 267 36
                                    

✓ Sana naman magustuhan niyo ang mga nangyayari.

**

Chapter 2

At anong ginagawa ng taong 'to dito. Don't tell me dito din yan nakaroom ngayon?! And don't tell me again na kaklase ko yan sa buong semester?! My goodness, sana lang ay irregular 'yan para naman hindi BV ang aura ko lagi.

Nakangiti siya sa akin na para bang nang-aasar lang, inirapan ko na lang siya.

Umupo ako sa dulo malapit sa bintana dahil mas gusto ko dito at mas kumportable ako. Dumating 'yung prof namin at nagdiscuss na ng topic niya. Ang daming pasikot-sikot na sinabi at ginawa pang kumplikado eh, ang dali-dali lang naman pala.

Bago siya umalis ay nag-iwan siya ng isang task sa amin, ang diary. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa niya nito, masyado ng moderno ang mga kabataan ngayon at old school habit na iyon. Madaming nagreklamo, oo dahil bakit nga ba kailangan pa? May mga blog naman gaya ng tumblr, pwede ding facebook.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Arika may naghahanap sayo." sabi ng blockmate kong isa. 

"Ay girl, pogi si Koya." satsat ulit nang isa.

Sino naman kaya iyon?

Sumilip ako sa pinto at nakita kong nakatayo si Flandre, ang pinsan kong malakas mang-alaska.

"Tanda!" Sigaw niya. "Sabi ni Tita sa Saturday, makalawa daw pupunta sila." Bakit hindi na lang tinext at pinapunta pa 'tong kutong lupa na 'to?

"K." Walang kagana-gana kong sagot sa kanya.

Ngumisi ito at nagsalita uli, "Teka chill, hindi lang naman ikaw ang pinunta ko dito." bumaling siya sa loob ng room ko at sumigaw, "Oy Par! Tara, punta daw sa court sabi ni Gil." sigaw niya sa antipatikong demonyo na nakabanggaan ko.

Sumenyas lang ito at nag-okay naman si Flandre. Naiinis talaga ako sa presensya ng isang 'to!

"Sa bahay niyo daw ha?" Tumango ako.

"Par, dalian mo daw nagtext na si Near, umuusok na ilong ni Gil dun. Hahahaha." tawa nito. Akmang aalis na sana ako kaso bigla niyang hinila ang braso ko at bumulong. "Kaien de Morcerf pangalan niyan. Alam ko namang crush mo. Hahahahaha. Kung makatitig ka dyan, lulusawin mo na yun tao."  Sabi niya.  So Kaien pala ang pangalan niya. Transferee siguro siya dito dahil hindi ko naman siya classmate last sem.

"Anong crush sinasabi mo dyan. Kapal mo. Yuck lang, please!" sabi ko at  hinampas siya. 'Yan crush ko? Kung siya lang din naman ang magiging crush ko mas gugustuhin ko pang malunod sa kumukulong mantika. At di hamak na wala pa siya sa kalingkingan ni Alexus, utot pa nga lang siguro siya, oh wait! Baka nga hindi pa utot, eh.

"Okay sabi mo, eh."

"TSS."

"Defensive."

"I'm not!"  Nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin. Ako naman ay pumasok na din, kapal niyang walk-outan ako.

"Tinitingin-tingin mo?!" pagsusungit ko. Kanina pa niya ako tinititigan simula ng mag-usap kami ni Flandre, kung nakakamatay lang ang titig malamang sa malamang ay pinatay na niya ako.

Dinedma lang niya ang sinabi ko, kaya nagdere-deretso na ako sa pwesto ko ng biglang natalisod ako.

"ANO BANG PROBLEMA MO HA?!" sigaw ko. Nakakainis na ang isang 'to, masyadong papansin. Nagtinginan ang mga blockmates naming natira sa room, 'yung iba tumatawa at yung iba naman ay bumalik din sa ginagawa.

"Wala naman. Sarap mong asarin eh."

"Tigilan mo ako."

"Paano kung ayoko?"

Playful HeartsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum