Chapter 17

8.3K 118 10
                                    

✓ Nyahahahaha! Kyuti ng mga gumagawa ng cover, thank you po :>

**

Chapter 17

Dumating na ang araw na simbang gabi na. Ramdam na ramdam na din ang pasko dahil sa lamig ng klima at nagsisimula ng mangaroling ang mga bata sa village namin.

"MANAAAANNNGGG!!!!" Agad akong napalabas sa kwarto ko ng dahil sa alingawngaw ng boses na yun. Malamang si Leigh na naman 'yun nagrereyna-reynahan sa pamamahay ko. Ilang araw na siyang ganyan dito. Kelan ba lalayas 'yan? Nung minsang palayasin ko ay himalang pinagtanggol naman ng bakulaw. Nalilito ako sa mga nangyayari.

"'Wag ka ngang sumigaw. Ang ingay mo." Reklamo ko ng makalabas ako sa kwarto. Hindi talaga ako sanay na may ibang boses na naririnig maliban na lang kay manang.

"As if you care. Kuha mo nga ako ng tissue." utos niya. Bahay ko 'to pero kung makaasta siya dito kala mo bahay niya. Sampid lang naman kumbaga sa mag-asawa, dakilang kabit. Kirida. Haliparot.

"Bakit 'di ikaw kumuha." Irap ko sa kanya. Nakita ko si Manang na umakyat na sa hagdag at siya naman ang binalingan ko ng tingin. 

"Never obey that girl. Get it?!" sabi ko ng may diin sa bawat salita. "Dun ka na sa kusina, manang or magpahinga ka na lang, hayaan mong siya ang gumawa ng mga gusto niya." Tumango naman ito bilang sagot at bumaba na.

"How dare you to do that."

"Hindi ka bagay sa bahay ko. Lumayas ka na lang kesa mas pinatatagal mo pa ang pagsstay mo." Pagtataray ko at iniwan siya 'dung nakatanga. Pasalamat siya wala ang bakulaw dito dahil nasa labas at busy sa kakabasketball.

Nagvibrate ang cellphone ko at agad ko namang kinuha sa standee nito sa pagkakacharge dahil nalowbat sa kakalaro ko ng Circle.

| Baklaaaaa. Me is here na sa bahay. Hihi. You know. I suddenly want to go there in your house. I miss Fafa Kaien. |

Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Nag-out of town lang naging conyo na. Epekto ng global warming ba 'to. Tsk!

Nagreply naman ako sa kanya. Ilang minuto pa ay nagreply ulit sya at nagpalitan lang kami ng reply sa isa't isa.

| I saw Jairus a while ago. He's still sexy. Should I tell to him that Leigh is cheating? Maybe not, so that he will suffer. |

Nagcompose agad ako ng text at nireplyan siya.

| Stop being conyo, will you? Nakakairita, seriously. 'Di ba nga break na sila. DUH ha.. D to the U to the H... |

Nagreply itong agad muli ng matapos kong masend ang unang reply ko kanina.

| Oo nga pala. I almost forgot that. Nakakahawa kasi 'yung pinsan mo. Nakabonding ko nung isang araw, nakita namin nila Mommy dun sa pinuntahan namin. Haha. |

'Kfine whatever.' Yun na lamang ang nireply ko sa kanya since wala na akong maisip. Naghihintay din ako ng reply niya pero wala na akong nareceive.

Humiga na lamang ako sa kama ko at nagmuni-muni. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Dumungaw ako sa bintana at may sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay. Kanino naman kaya 'yun? Bumaba ako para uminom ng makasalubong ko si Bakulaw. Oh ,nandito na pala 'to. Sa bagay hapon na din naman.

"Tinitingin-tingin mo?" pagtataray ko. Kanina pa siya nakatingin sa akin.

"Ang panget ng leegs mo. 'Wag ka ngang magshort. Tsk!"

"Ang manyak mo!" sigaw ko at nagderetso na sa kusina. Pati ba naman pagsusuot ko ng short kinokontra niya? Ano gusto niya magmanang na suot ako. Wala akong dapat ikahiya sa legs ko. Makinis at walang peklat. Ang manyak niya talaga!

Playful HeartsWhere stories live. Discover now