Chapter 49 pt. 1

2.7K 57 4
                                    

**

Chapter 49

"Why did you do that to Arika? We already talked last night!"

"I don't like her and I'm showing it!"

"Stop being a brat. Accept the fact. My son needs Arika."

Pagtatalo, 'yan lang ang naririnig ko simula kanina. Ayokong dumilat. Natatakot ako na baka madaming itanong sa akin.

"Arika..." naramdaman kong may mahigpit na humahawak sa kaliwa kong kamay.

Nasasaktan ako sa mga nangyayari pero kailangan kong tanggapin ang lahat... lahat-lahat.

Galit si Ema sa akin dahil feeling nya ay inaagaw ko si Kaien sa kanya at ganun din ako. Bakit ba hindi ko matanggap sa sarili ko na may kahati ako sa lahat? Mapapamilya man o pag-ibig, siguro nga kailangan ko ding isipin ang nararamdaman ng iba. Ang pagiging isip bata o ang kakitiran ko minsang mag-isip ay nakakasakit na pala.

"Let their engagement off, mama."

Hindi sumagot si Tita.

"I'll promise, I'll be a good girl to her."

Wala pa din.

"FINE! I'll make her life miserable! We'll both become miserable."

Bago pa man may muling magsalita ay unti-unti ko ng idinilat ang mga mata ko.

All eyes on me.

Handa na ako sa lahat... Kay Ema o sa kahit na sakit ko.

"Arika..." ngumiti ako.

"Hi... good morning." pabirong sabi ko. He hug me... tight.

"Hija!" Bakas sa mga mukha nila ang saya. "Ema, call the doctor." Mahinahong utos ni Tita.

Inirapan lang ako ni Ema.

Brat...

Saktong papalabas si Ema ay nagmamadaling pumasok si Mama.

"Ano ang buong nangyari?" Bungad na tanong nito the moment na makalapit sya. Andito pa pala siya. Akalain mo 'yun at nakaalala pa sa akin.

"Wala man lang pong hug?" Pabirong reklamo ko.

"Syempre meron. Malakas ata ang unica hija ko sa mommy nya."

Ngumiti ako, "I thought you're in US?"

Umiling sya, "Saktong paalis na ako ng bahay ng tumawag si Serene at sinabing nasa ospital ka."

"Ikaw bata ka! Pinag-alala mo ako. Paano kung isang araw malaman ko na lang na wala ka na pala! Baka mapatay ko ang sarili ko ng wala sa oras."

"That's horrible, mom!"

"Tita, ano pong ibig mong sabihin?" Nabigla din si Tita sa nalaman niya.

"You didn't tell them?" Tumango ako.

"Tita..." Tiningnan ko lang si Kaien.

Bago pa man ako makapagsalita ay dumating na ang doctor ng walang kasamang Ema na pabalik.

Sinuri ako nito. "Naninikip pa ba ang dibdib mo?" Umiling ako.

"Good." Bumaling siya sa mga magulang namin. "She's experiencing a chest pain and I did some test a while ago... better let her rest for like three to five days to know the result."

"Chest pain lang naman, Doc. Bakit kailangan pang magstay dito?" Tanong ni Tita.

"I think this not just an ordinary chest pain, Madame."

"What do you mean?" Kaien asked.

"I'm sorry but for now I can't give you an answer... Excuse me." The doctor leaves. Ang sungit naman nun, pero mas mabuti na ding hindi nila malaman.

"What kind of doctor is he?" reklamo ni Tita.

"Tita, ano pong tungkol kay Arika kanina?"

I hold moms right hand. Tiningnan niya lang ako. Para bang alam nya ang sinasabi ko.

"Let Arika, open that topic. I won't tell because I promise her."

"Then tell us!" Pasigaw na tugon niya. "Para na akong tangang nanghuhula pero pinagpapasahan niyo lang."

"Kaien..."

"Mom..." Nakuha naman ni Mommy ang sinabi ko.

"Okay... Let's go outside." Sabi niya kay Tita at sinamang lumabas.

"So what now?" Hindi ko alam kung saan ko sisimulan, hindi ko alam kung papaano ko din sasabihin. Oo, tanggap ko na pero ang hirap, ang hirap sabihin ng harap-harapan.

"ARIKA! TELL ME. May sakit ka ba?" frustrated niyang tanong.

Tumango ako. "Oh God!" Napasapo siya sa ulo niya. "Kelan pa?"

Iniayos ko ang upo ko bago magsalita, "Since I was born..."

"Are you serious?" Tumango ako ulit.

"Anong sakit mo? Malala ba? Malamang oo, bakit hindi mo sinabi sa akin? Nung tinanong mo ba ako noon na may sakit ka... totoo pala? Hindi mo man lang ako pinagkatiwalaan?" Sunud-sunod na tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang sasagutin ko sa mga iyon.

 "STOP! Tama na." Sigaw ko. Nafrufrustrate ako, nababaliw... naguguluhan.

Yinakap niya ako. "Tell me... please."

Umiiyak na ako. Hindi ko na alam. "C-coronary Heart Disease."

Isinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya. "Natatakot akong iwan ka."

"Natatakot akong mawala ka..."

"Chess pain pa lang naman... wala pang worse part." Pabiro kong sabi habang umiiyak.

Binatukan niya ako. "Ibang klase ka talaga babae ka. Paano na lang kung 'yung worse part na..." Edi wala na. Game over...

-

A/N: May writers block. Sa Wednesday na lang at Thursday. Kahit anong piga ko sa utak ko ayan lang kinaya XD lol may part 2 pa iyan.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now