Chapter 24

7.5K 116 6
                                    

**

Chapter 24

"Ano ka dyan! K-ka-kapal mo." Ano ba. Ano ba talagang nangyayari sa akin. Wala naman akong gusto sa bakulaw na yan. Si Alexus lang ang gusto ko. Oo tama. Arika delos Reyes si Alexus ang gusto mo at wala ng iba pa. Sabi ko sa kanya habang palabas ng banyo.

"Okay." walang kagana-gana niya sabi. Nakahinga ako ng maluwag. Nakita ko din siyang napangiti ng bahagya. Kahit kelan ang gulo ng mood niya!

Halos maging tuod ako sa kinauupuan ko. Feeling ko pasan ko ang daigdig sa nararamdaman ko. Alexus, oo siya ang gusto ko aminado ako. Kaien, feeling ko may something na talaga.

Dumaan ang gabi at isang bagong umaga na puro Kaien ang nasa utak ko. Papasok na naman kami at ewan ko ba. Iba yung nararamdaman ko parang may mali. Nakarating ako sa room ko. Nauna naman ang mokong sa pagpasok dahil ayaw na daw niya akong kasabay. Inilagay ko na lang ang gamit ko at inihiga ang ulo ko sa mesa. Iba kasi talaga yung nararamdaman ko. Maling-mali na ata talaga, pero ano bang mali? Fiancee ko naman siya, tama lang na magkagusto ako sa taong pakakasalan ko.

Dumating ang professor ko at nagsimulang ng magturo. Narinig kong tumunog ang bell, hudyat lang na tapos na ang klase. Sinundan ko ng tingin ang prof kong papalabas na ng classroom. Nagdodoble siya sa paningin ko. Sinubukan kong tumayo at aambang maglakad pero biglang dumoble ang lahat ng nasa paligid ko at tuluyan ng nandilim ang paningin ko. Halos tinig na lang ang naririnig ko at may isang nangingibabaw.

"Tanga! Ayan ang napapala ng babaeng hindi kumakain." Naramdaman kong binuhat ako nito at wala na akong matandaan pa.

Nagising ako na puro puti ang nasa paligid. Iginala ko ang mga mata ko. Agad naman akong napabangon sa kadahilanang hindi ako pamilyar sa kwartong hinihigaan ko.

"Gising ka na pala. Kamusta pakiramdam mo?" Tanong saan akin ng nurse na nakatalaga. Nasa clinic pala ako. Ito na ang pangalawang pagkakataon na naclinic ako.

"O-okay na po ako. Pasensya na po." Kahit ang totoo eh hindi pa. Umiikot talaga ang paningin ko.

"Kumain ka ba ng breakfast mo kanina?" Iling ang naisagot ko. Ang totoo niyan kumain naman ako ng konti pero dahil siguro na din 'to dun sa kakaisip kung anong meron sa nararamdaman ko.

"Sa lahat ng maari mong kaligtaan almusal pa. Kalimutan muna lahat wag lang yun lalo na't pang umaga ang schedule mo. Buti na lamang ay inihatid ka ni Alexus." Alexus. Kala ko si... Narinig ko yung boses niya. Sinabihan pa niya ak... ah. Nevermind.

Isang kalampog ng pinto ang tumambad sa amin. Isang hingal na hingal na Louise ang dali-daling lumapit sa akin. Halos di ko maipinta ang mukha niya. Kaba at takot ang halos bumalot sa kanya.

"Ano ka bang babae ka! Pinag-alala mo ako. Kainis. Kala ko mangyayari na naman yung dati!" Sabi niya sa akin at halatang napag-alala ko ng sobra.

"Sorry." Bigla na lamang niya akong niyakap ng mahigpit.

"Next time please mag-ingat ka naman. Kung kumain ka parang pang isang taon na yun. Tipid na tipid, ang payat mo Arika, oo sexy ka pero para sa akin payat ka pa din. Alam kong matabil yang dila mo pero yang katawan mo alam mo naming mahina ka." Napansin kong lumabas ng pinto ang nurse at kami na lang ang naiwan. Inilayo ko ng konti si Louise sa akin.

"Okay naman ako, oh? Tingnan mo pa." Ngiti ko pero isang batok ang natamo ko sa kanya.

"Magpahinga ka nga! Kaya ka siguro hinanapan ng asawa ni Tita para may magbantay sayo! Kahit kelan ang tigas ng ulo mo. Kainis kang babae ka." Oo nga! Bakit hindi ko naisip yun? Sa murang edad ko maaring bawiin agad ng Dyos ang buhay ko. Kaya ba ganito si Mama magmadali sa mga bagay-bagay. Natatakot siyang mawala ako ng maaga.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now