Chapter 13

9.2K 142 12
                                    

✓ May God bless you and take care always.

**

Chapter 13

Dumating na ang kinatatakutan ko, ang December. Ang bilis-bilis! Birthday ko na din. Feeling ko ay bibitayin ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Bakit kasi nandito kami sa venue kung saan iaannounce na magfiancee na kami. Naiihi na din ako pero hindi ko magawang ilakad ang mga paa ko dahil malapit na akong tawagin.

"Today, we all gathered here to witness a formal engagement between our chairman's grandson, Mr. Kaien de Morcerf and the granddaughter of Mr. Xiu delos Santos, Ms. Arika delos Reyes." sabi nito at bumaling sakin ang emcee. Kami naman ay tumayo at todo-todo ngiti lang. Umupo din naman ako agad.

Nanlalamig ang mga kamay ko at kinurot ko ang siko ng katabi ko.

"Ano ba." reklamo niya. Nagtama ang paningin naming dalawa. Halos hindi na maipinta ang mukha ko. "Halatang kinakabahan. Tsk!"

Tumango ako, for the first time atang magkakasundo kami dahil sa mga nangyayari.

Ikinuwento din ng emcee ang friendship history ng both families. Si Lolo sa side ni Daddy at Lolo ni Kaien ay magkaibigan na nagpromise sa isa't-isa na ipapakasal ang mga anak nila. Since walang anak na lalaki sila Lola ay napagpasyahan na ang mga apo ang magpapatuloy na napagkasunduan which is na isalin sa akin pero ganun din pala ang napagkasunduan ng mommy at mommy niya... Magulong istory basta in the end kami ang magpapakasal at walang hahadlang. Whether we like it or we like it.

"Naiihi ako." Bigla kong sabi. Kanina ko pa din ito pinipigilan simula ng dumating sa venue.

"Kadiri ka."

"Pakialam mo ba." diniinan ko 'yung pagkakapit ko sa laylayan ng braso niya. Konti na lang talaga ay sasabog na ang pantog ko.

"Aray!" dinilaan ko lang sya. "Peste kang babae ka."

Pinandilatan ko na lamang siya ng mata. Gaya ng inaasahan ay umakyat ang mga magulang namin at nagbigay ng kanya-kanyang speech nila. Mula rito ay natatanaw ko rin ang mga kamag-anak ng dalawang pamilya.

Unang nagsalita ang mommy ko. "Hi baby, I know it's a big revelation for you to know that you have a fiancée." Yes mom, it's a big revelation. "Whether you like it or not you should deal with it since nalaman mo na din naman ang history ng pamilya natin." dugtong pa niya. Isang malakas na palakpakan ang kapalit ng sinabi niya. "You know that I love you more than anything else at gagawin ko ang lahat basta sa ikabubuti mo." Sabi niya pa habang pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa pisngi niya. "I know it's a best decision for you, for you to have a better life. May tiwala ako kay Kai since he's a good boy and you know him..." Seryoso? Good boy ba yang menopause na 'yan? Dinaig pa nga ako sa sobrang pagkasungit. Isang tanong lang ang gusto kong malaman... I know him?

Natapos ang award winning speech ni Mommy sa akin at si Tita naman ang nagsalita.

"Ari-baby! I have a cute daughter-in-law na. Hihi! I really like you for my son. You're so cute, and I love you so much!" sabi naman niya. Para talagang bata ang mama niya. Ang cute cute. "Ingatan mo si Kai, ha? Kahit mukhang menopause ang ugali niya, ganun na talaga 'yan. Bahala ka nang i-under ang baby ko, ha? You have my permission. Okay lang kahit saktan mo ng pisikal ng matuto. Be his best friend, si Martin lang kasi ang close niyan, kahit mga pinsan niya, eh hindi niya close. Takot sa tao 'yan kaya ganyan." Dugtong pa niya habang tumatawa. "Oyyy! Kai. Be good okay? After ng college niyo tuloy na sa simbahan. Ayiiieee!" Sabi niya habang may tono ng pangtutukso sa anak niya. Ang cool niyang mom. Sa sobrang cool maiinis ka na sa inaasta.

After college would be my worst nightmare... siguro?

Nginitian ko na lamang silang pareho. Kahit labag sa loob ko ang mga nangyayari siguro sa kanya na nakatali ang pagkatao ko at kailangan kong tanggapin ang lahat.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now