Chapter 25

7.4K 111 13
                                    

**

Chapter 25

"Hindi pa din mawala sa isip ko yung nangyari sa clinic. Louise and Alexus have an affair. Not typically that affair. Kaya lang kasi, pag-iniisip ko parang plinaplastik ako ni Louise. Nako! Bakit ba ganito ang iniisip ko sa kanya para ko na din siyang kapatid. Don't think too much, Arika. Hindi magagawa ni Louise sayo yun di ba? Sagad sa buto ang tiwala mo sa kanya, sagad sa buto. Maybe she has a reason behind that scene na narinig mo and maybe naghahallucinate ka lang din sa mga oras na iyon." Kaso! HINDI EH!!! sa sobrang sasabog na ako sa kakaisip ay ginulo ko na lang ang buhok ko. Wag maging makitid ang utak. Mas maging open minded ka at positive minded dahil hindi magagawa sayo ng bestfriend mo iyon. Patuloy na pag-uulit-ulit ko sa sarili ko. Pilit ko pa ding kinukumbinsi ang sarili ko na wag maniwala sa narinig ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagmumuni-muni para matanggal ang stress ko. Hindi na din ako pumasok dahil nawalan ako ng gana. Ngayong second sem ko naramdaman yung pressure pero parang balewala lang 'to sa akin para bang go with the flow lang ako. Parang lahat 'sige okay lang' ang bilis ng panahon parang last year lang kakapasok ko lang ngayon naman patapos na.

"Miss tabiiiiiiii" sigaw nito at agad namang napreno ang bisikletang sinasakyan. Agad naman akong napapitik sa realidad. "Tss. Wag kang magpakamatay." dugtong pa nito habang itinatayo ang bisekletang natumba. Hindi ako makakibo. Napansin kong may galos ito sa mukha. Sayang ang pogi pa man din. Parang hinigop yung mga gusto kong sabihin at napipi na lang ako.

"Bro!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Agad itong bumaba sa bisikleta at dinaluhan yung lalaki. "Anong nangyari dyan sa mukha mo?" nag-aalalang tanong niya.

"Wala ayos lang ako Hiro." Hinapit nito ang mukha at dumukot sa bulsa niya. Band-aid. Tama, nilagyan niya ng band aid ang mukha ng lalaki at hinalikan muna ang parte na may galos. Nakakadiri na sobrang sweet ng ginawa niya pero para sa dalawang lalaki ay hindi maganda. Nakakasura sa paningin ng iba para bang may ibang ibig sabihin.

"Aba't hoy sa susunod mag-ingat ka nang dahil sa ginawa mo ay nagalusan mo ang mukha ng kakambal ko!" bulyaw nito sa akin. "At kung iba ang tumatakbo dyan sa utak mo tungkol sa amin ay itigil muna baka kung ano lang ang magawa ko sayo." dugtong niya. Ang sungit naman nito. Bakit ba halos lahat ng nakilala ko eh masusungit? Wala na bang mabait at maginoo ngayon maliban kay Alexus?

"Hindi ko kasalanan kung hindi siya nag-iingat." Masungit kong sagot. Biglang akong nakaramdam ng pananakit ng ulo ko.

"Shiro tara na." sabi ng lalaking nagalusan.

"Tandaan mo. Sa susunod na magkita tayo ulit humanda ka." banta sa akin nung isa sa kambal. Bakit mga pambabae ang mga pangalan nila. Base sa itsura nila ay may mga dugo silang hapon. Pangalan pa lang ay hapon na kagaya ng pangalan ko pero hindi naman ako hapon, feeling lang talaga ang mga magulang ko.

Hindi pa nakakalayo ang dalawa sa pag-alis at naiwan akong nakatayo. Mas lalo kong nararamdaman ang pagsakit ng ulo ko. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit ay napapikit na lang ako. "AHHHHHHHHHHH." sigaw ko at halos matumba na sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Hiro! Anong ginagawa mo?!"

"Tulungan natin Kuya! Hindi pwedeng pabayaan natin ang babaeng 'to ng ganito."

"Hayaan mo siya!"

"Kuya! Ano ba! Kung ayaw mo umalis ka. Ako tutulungan ko siya."

"Aish!"

Naramdaman kong binuhat ako nang isa sa kambal.

"Tawagan mo si Hina."

"Oo na. Kung utusan mo ako ay parang ikaw ang nakakatanda." Reklamo nung Shiro.

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon