Chapter 19

8.6K 129 8
                                    

✓ Trolololo, Leigh ang Arika?

**

Chapter 19

Wala na si Leigh nung makauwi ako. Laking pasasalamat dahil baka hindi lang sampal ang makuha niya sa akin matapos ang mga nalaman ko. I never knew  and I never expected to have her as my sister. May kung anong presensyang ayaw na ayaw ko sa traydor na babaeng 'yun. Half-sister her face! No way in hell, that I will accept it.

"Nakakatawa kahapon, sayang umalis ka." Panimula niya.

"Bakit?" sagot ko naman.

"Nakita ko na naman siyang nagmakaawa sa mama mo. That would be the second time na nakita ko syang ganun."

"Really? Tama lang 'yun, pilit siyang sumisiksik sa buhay ng iba." Sabi ko. "Paano kayo nagkakilala?" dagdag ko pa.

"She's my classmate before, hm. Nachallenge ako kaya niligawan ko. Bumigay naman agad."

Napa-ah na lang ako.

"Sya ba 'yung girl na kausap mo sa vacant room noon? I mean nung engagement party?"

Nag-iba ang expression niya. "Nakita mo?"

Tumango ako, "Hindi ko naman sinasadya."

"Ah. Oo sya nga pero nakikipagbreak na ako sa kanya noon, kaso mapilit."

"Ibang klase naman ang pagkadesperada nun sayo?"

"Ewan." Tapos tumayo siya at kumuha ng unan. "Maligo ka na nga! Napakabaho mo!" Binato niya sa akin ang unan buti na lang at kusang nagreak ang katawan ko at nasalo ko naman.

"Ay baliw ka!!"

"Ikaw nga iyon, eh! Sige akyat na ako. Wag ka mainlove sa akin ha?"

"Ay ewan ko sayong baliw ka!" sigaw ko... "pero salamat." bulong ko.

Sa isang araw na nalaman ko iyon ay hindi ko pa din nakakausap si Mommy, more like ako ang umiiwas. Tumatawag siya sa akin ng paulit-ulit pero pinapatay ko ang cellphone ko. Hindi pa akong handang marinig ang mga paliwanag niya. Sariwa pa ang mga sinabi niya. Hindi ko lang kasi talaga lubos na maisip na may iba pang tumatawag na mommy sa kanya, buong akala ko ay ako lang. 

Mahigit isang buwan na din pala akong nakatira dito at nakaadjust na ako sa presensya ng bakulaw na 'to. Hindi man ganung kaganda ang tratuhan namin ay ayos pa din, dahil may mga bagay naman kaming napagkakasunduan kaso nga lang everytime na lalapit siya parang nasslowmotion namana ang paligid ko. Hindi ko maipaliwanag kung may gusto ba ako sa kanya o nababaliw lang ako.

"Hoy! Dalian mo na." Agad akong lumabas ng kwarto ko dahil tapos na din naman akong mag-ayos.

Maggrogrocery kami ngayon dahil sa darating na noche buena. Hindi ko alam kung makakasama ko ang pamilya ko o kaming dalawa lang ang magcecelebrate. Sa sitwasyon namin ni Mommy malamang sa malamang ay kasama ko si Kaien. Bakit kasi nalaman ko pa...

"Napakakupad." singhal niya agad ng makalabas na ako ng gate. Moody talaga. Kanina ang bait, ngayon ang sungit na.

"Atat masyado, 'di makahintay?" sagot ko.

Napatsk na lang siya at pumasok sa sasakyan. Edi ikaw na talaga may sasakyan nahiya naman ako at mayaman ka, eh. Psh! Magkakaroon din ako!!!! Kala mo naman ang layo ng grocery dito. Ten minutes away lang naman, bakit kailangan pa ng sasakyan. Nang makarating kami ay agad niya naman itong pinark sa parking lot nito.

Nagdere-deretso agad akong pumasok sa supermarket at hindi na siya hinintay pa. Nang makarating ako sa loovb ay agad kong pinagdadampot ang mga kakailanganin. Pinalista ko naman kay manang ang mga bibilhin para hindi na ako mahirapan pa. Halos makadalawa kaming cart sa sobrang daming binili, 'yung iba eh puro kapritsuhan na lang. Ako ang tagakuha at si Bakulaw ang tagatulak.

Playful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon