Chapter 39

3.8K 75 9
                                    

**

Chapter 39

"Class dismissed!" Sabi namin professor namin, nililigpit ko na ngayon ang gamit ko sa subject na ito ng may biglang nagbagsak ng bag sa mesa ko.

"May sasabihin ka sa akin." Tiningala ko siya at isang babaeng kulot at buhok at may bangs pa. Bagong hairstyle si Ate. Nakaisip magbangs.

"Ano ba iyon, Louise?" Sabi ko. Ngumiti ito ng nakakaloko at humila ng upuan. "May kwekwento ka sa akin. What happen kahapon?" Saka umupo ng pabaliktad.

"Alam mo naman na iyon eh. Kami na, okay?" Pabulong kong sabi.

"KYAAAAAHHH! This is it pancit." Sigaw niya. "Finally, kayo na ni Kai-" Sa sobrang ingay nya ay hindi ko na napigilan ang sarili kong takpak ang bibig niyang ubod ng daldal na dinaig pa ang nagrarally sa Mendiola. "Shh, Louise, shh." sabi ko pa saka inalis ang kamay ko sa bibig nya.

"You should be proud friend, sa daming bulaklak ang lanta ang pinili ng paru-paro."

"So pangit ako ganun?" Nakakunot kong tanong sa kanya. Ang logic ng babaeng 'to masyadong matalinhaga.

"Wala akong sinabi ha? Ikaw mismo ang nagsabi nun at sa bibig mo pa nanggaling."

"Yeah right, whatever." Sinabit ko na ang bag ko sa balikat ko at tumayo na. Tumayo na din naman na sya at sinundan ako.

"So where is he? Your prince charming with a ribbon in graduation?" Kailangan ba talagang iemphasize ang honors niya?

"I don't know okay? At isa pa hindi ako tanungan ng taong nawawala." Inis na sabi ko.

Malay ko ba kung nasan ang isang iyon. First day of relationship namin ganito agad. Nakakainis talaga siya! Ni hindi man lang nagpakita sa akin. Iisang bahay lang kami pero pagdating naman dito sa school parang hindi kami magkakilala. Kinahihiya ba niya ako?! Kapal kapal kapal niya. Naku makita ko lang talaga siya ngayon, matatampal ko siya left and right. Ni hindi pumasok sa morning classes. Wala tuloy akong kasabay maglunch buti na lang sumulpot 'tong bestfriend kong megaphone.

"Ang sungit mo naman Mrs. Kaien de Morcerf."

Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng shoulder bag ko. "Miss mo na agad siya? Ayiiie~"

"Tigilan mo ako pwede, wag na wag mo babanggitin ang pangalan niyan. Baka sayo ko mabuhos ang inis ko." Sumisipa sipa ako habang naglakakad sa koridor.

"Malaman ko lang talagang nangangaliwa yun, nako! Mata niya lang ang walay."

"Ang posessive girlfriend mo naman bes. Lakas ng tama kay Mr. DMU ah?"

"Duh Louise, duh~ what's mine is mine alone. Kilala mo ako pagdating sa ganito." Saka irap ko.

"Kaya pala naagaw ni Leigh si Jai." I gave her my death glare. Nakuha naman niya ata ang meaning nun. "Joke lang, hehe. Peace!" At nagpeace sign siya.

Wala na yun, pinapatay ko na si Leigh baka umekstra pa sa relationship namin pero syempre joke ko lang iyon. Hindi ko alam kung nasaan yun. Kahit ayokong tanggapin kapatid ko pa din naman siya. Peste nga lang talaga.

"Kamusta na kaya si Jai?" Biglang tanong niya.

"I don't know. Bakit ba ako lagi mong tinatanong? Mukha ba akong mapa? Google? Atlas?" Sarcastic na sagot ko.

"Malay mo nakokontak mo pa, hindi na nagparamdam sa akin eh."

"So feeling mo nagparamdam sa akin? Baka busy yun!" Napansin kong ang bagal namin maglakad at wala pa kami sa kalahati papuntang cafeteria.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now