Chapter 38

3.9K 77 16
                                    

**

Chapter 38

Ang akala kong magandang umaga ay hindi pala. Ang akala kong masarap na umagahan ay hindi pala. Akala lang pala. Tama nga, madaming mamatay dahil sa isang malaking akala.

Bakit ako nagkakaganito?

Nadatnan ko lang namang magulo na naman ang sala ko at nakakalat ang mga collections ko ng dvd. Sino ba namang matutuwa sa ganun habang ang may salarin ay nakahiga sa tapat ng TV at prenteng nanonood?

"Gising ka na pala." bati niya sa akin.

"Umagang-umaga ang kalat. Napakaburara mong lalaki ka." Inis na sigaw ko. Dinaig pa niya ako sa pagkakalat. Hindi porket pinayagan ko siyang makitulog dito ay aasta na siya close na close kami at isa pa, hindi tamang makitulog ang manliligaw sa bahay ng nililigawan.

"Easy ka lang. Ang aga-aga ang init ng ulo mo."

Napaface palm na lang ako sa sinabi niya. Sino ba namang hindi maiinis dito. Kung sakali mang sagutin ko ang isang 'to kailangan kong magbaon ng madaming pasensya.

"Pwede kahit minsan lang wag puro pang-iinis at pangbwibwisit ang dalhin mo sa akin? Kung pwede lang naman."

"Okay sabi mo eh." sagot niya naman at humarap uli sa pinapanood.

Pumunta na lang ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at bumalik uli sa sala at umupo sa sofa.

Hat!

"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot.

"Seryoso ka talaga sa akin?" Tanong ko pa.

Humarap ito ng nakakunot ang noo, "Luluhod ba ako at papatapakin ba kita burol kung hindi? Minsan gamitin mo nga iyang utak mo " deretsong sabi niya.

Ang hard ng isang 'to sa akin kahit kelan.

"Fine fine fine, whatever Mister." saka irap ko.

"Bakit pag sa akin ang sungit mo? Pag sa ibang lalaki kung makapagpacute ka kala mo walang bukas, lalo na sa Tito ko."

Duh, nag-iisip ba 'yon. Matalinong hindi ginagamit ang utak pag sa ganitong usapan.

Bakit nga ba? Hmm. Ang first encounter namin ay hindi maganda, lalo na't napakahangin niya at ubod ng kayabangan lang meron sa katawan, hindi siya gentleman sa akin. Palagi niya din akong bwinibwisit at kung anu-ano pang kasungitan pero kalaunan naman ay nagiging okay. Okay nga ba?

"Hoy ano na, nilangaw ka na kakaisip."

"Alam mo ikaw, puro ka pang-iinsulto sa akin. May good sides din  ako at subukan mo ding pansinin iyon. Libre ang mangcriticize pero ikaw." saka ako bunot ng hininga. "HAH! peste, iba ka."

"Paano ko mapapansin yung good sides mo kung puro kasungitan at kalandian ang pinapakita mo sa akin?" Kalandian talaga? Wala naman akong ginawang ganun sa kanya ha, except sa blackmail thingy noon.

"Kapal ng mukha nito. Wala kaya akong ginawang kalandian."

Inilagay niya ang kamay niya sa ilalim ng baba niya saka hinimas-himas. Pinikit niya din ang mga mata niya. Para bang nag-iisip siya kung ano ang ginawa ko. "Sa akin wala, pero sa tito ko meron at nagseselos ako!" At tuluyan niya akong tinakuran.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Maiba ako, kelan ka aalis dito?"

"Dito ako titira." Finally, may makakasama na uli a-- "WHAT?!"

"You heard me right? I'm staying here for good."

"Ho-hoy! A-anong sinas-sinabi mo dya-dya-yan?" Bakit ba ako na-uutal.

Playful HeartsWhere stories live. Discover now