Chapter 8

10.1K 163 12
                                    

✓ Thank you, aayusin ko pa hanggang dulo ang pag-eedit ko.

**

Chapter 8

"Ano sasama ka na ba?" tanong niya. "Look. Wala tayong magagawa, both of my mom decides already, we can't do anything but to stay in the same roof. Kahit na panget ka mukhang MTB talaga tayo."

URRRRGGGGHHH!

Padabog akong naglalakad-lakad, pabalik-balik.

Nakakainis, no choice na talaga ako sa mga ganitong sitwasyon. Bakit ba kasi kailangan pang pagsamahin kami sa iisang bahay gayong ikakasal naman pala kami? Urrgh! This is so frustrating. Feeling ko hindi magiging maganda ang kakalabasan ng taon ko. December don't come! Ayoko pang magbirthday!

"FINE! FINE! Sasama na nga, eh! As if may magagawa pa talaga ako." Una, may dumating na kinaiinisan kong tao. Pangalawa, pinapalayas na ako sa sarili kong apartment. At panghuli ay tinatakwil ako ng sarili kong ina. Thanks to you, mom! Magsasama pa kami ng bwisit na 'to at mukhang magiging hell ang kakalabasan ng buong panahon na makakasama ko siya.

"Dalian mo at nasasayang ang oras ko sayo." Pagmamadali niya.  Sa totoo lang gustong-gusto ko siyang batuhin ng tsinelas ko ng makatikim siya ng inis ko! Kala mo kung sino kung makapagmadali?! Agad agad?!

Umirap ako sa kanya, "Whatever! Eh di umalis ka na. Wala naman akong sinabi na sumunod ka sa mommy mo."

"Bwisit 'yang mukha mo. Dalian mo!" Paano niya nagagawang maging kalmado kung ako nga ay bwisit na bwisit na sa presensya niya at sa mga nangyayari.

Napasapo na lang ako sa noo ko, "UUUURRGGGHHH!" Sukung-suko na ako talaga ako, kahit anong reklamo o bwisit ko sa lalaking 'to ay wala na akong magagawa kundi siguro ang pakisamahan na lang siya. The heck! Goodluck, 'yun na lang ang mapapasabi ko sa sarili ko.

"Sa kotse tayo magkita!"

"Kfine."

Pumunta na ako sa kwarto ko at naabutan ko si Louise na nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin ko. Tapos na din siguro siyang mag-impake kaya nandito na siya.

Dumeretso na lang ako sa loob ng banyo. "Bakit parang nalugi 'yang aura mo?" tanong niya habang nasa loob ako ng banyo. Naghuhubad ako ng mga suot ko habang sinasagot siya.

"NALUGI TALAGA!" sigaw ko.

"Bakit kayo nagsisigawan sa labas kanina? At frustrate na frustrate ka?"

"Bwisit na yan." 'yung na lang ang nasigaw ko sa sobrang inis. Naiinis talaga ako sa mga nangyayari, una nagkaroon ako ng instant fiancée, pangalawa makakasama ko pa sa bahay at higit sa lahat gustung-gusto kong awayin si Mommy pero wala akong magawa!

"Ano namang ginawa sayo?" Wag kang magtanong, mabwibwisit ka lang rin. Lumabas ako sa banyo at dumeretso sa closet ko. Hindi ko siya sinagot at nag-ayos ako ng sarili ko.

"Pinapalayas na tayo dito."

"Huh? Bakit daw."

"Aba ewan ko." Kinuha ko 'yung maleta ko at pinagdadampot ko 'yung mga damit ko at mga gamit ko.

"Saan ako titira? Eh bukas pa ako uuwi?"

"Edi umuwi ka na ngayon."

"But..."

"No buts please. I'm freaking tired."

Bumuntong hininga siya. "What's happening ba? Just give me a hint. May relasyon ba kayo ni Kaien?"

"We don't have. And not a chance."

"Why is he here all of a sudden?"

"I don't know, either!"

Playful HeartsWhere stories live. Discover now